Rafa gets new project under ABS-CBN

November 14, 2018

AFTER appearing in some TV series sa Kapuso Network, ang New York University graduate na si Rafa Siguion-Reyna gets the chance to work with the Kapamilya Network sa pamamagitan ng upcoming afternoon TV series na “Nang Ngumiti ang Mga Langit” sa ilalim ng unit ni Direk Ruel Bayani which will be airing sometime in January 2019.

Ang nabanggit na bagong series ay tinatampukan din nina Cristine Reyes at RK Bagatsing, kasama sina Dante Rivero, Pilar Pilapil, Keempee de Leon, Sophia Reola, Enzo Pineda at iba pa.

Si Rafa ay lumagda ng five-year co-management contract with Viva Artists Agency (VAA) last Tuesday afternoon.  He is being co-managed by TAPE, Inc. lady boss Malou Choa-Fagar.  Siya’y sinamahan sa contract signing ng kanyang celebrity mom, ang writer-director at actress na si Bibeth Orteza.

Rafa is going steady with singer-actor Franco Laurel’s younger sister, ang singer at stage actress na si Yana Laurel for the last three years.

Rafa can sing, dance and act at sinubukan din niyang maging ramp model.  He says his celebrity parents are his mentors at looks up to actors Pen Medina and Tirso Cruz III as his acting idols.

While he admits na malaking advantage ang kanyang showbiz royalty lineage at kasama na rito ang pagiging paboritong apo ng  88-year-old veteran singer-actress at producer na si Armina Siguion-Reyna, gusto ni Rafa na  makilala bilang isang mahusay na actor dahil sa sariling pagsisikap.  Aside from his parents, tinatanaw niyang malaking utang na loob ang pagsailalim niya sa iba’t ibang acting workshop, especially under his ninang, ang actress-director na si Gina Alajar.