‘Raise your flag!’

December 17, 2018
Catriona Gray

PANALO si Catriona Gray bilang Miss Universe 2018! Ikaapat na nating Miss Universe crown ang pinanalunan ni Catriona isang taon lang matapos manalo ni Pia Wurtzbach.

From, Top 20, napabilang si Catriona sa Top 15, Top 5 at Top 3 hanggang sa silang dalawa na lang ni Miss South Africa ang matira.

Maraming naka-relate sa sagot niya sa question na, “What is the most important lesson you learned in your life and how would apply it to your time as Miss Universe?”

Sagot ng Miss Universe 2018, “I worked a lot in the slums of Tondo, Manila, and the life there is very... it’s so poor and it’s very sad. And I’ve always taught myself to look for the beauty in it, look in the beauty in the faces of  the children, and to be grateful.

“And I would bring this aspect as Miss Universe to see situations with a silver lining and to assess where I could have something, where I could provide something as a spokesperson, and this, I think, I could have an amazing world where negativity would not grow and foster, and children would have a smile on their faces.”

Naku, swak na swak ’yan sa mga taga-showbiz na walang utang na loob sa pinanggalingan, huh!

Malakas din ang naging dating ng napili niyang title ng kanta, “Raise your flag,” sa tanong ng host na si  Steve Harvey kung ano ang type niya sakaling isalin sa awit ang Miss U journey niya.

Nanguna si Ruffa Gutierrez sa celebrities na nagbunyi sa Twitter sa panalo ni Catriona kasama sina Anne Curtis, Bianca Gonzales, Vicki Belo, Bela Padilla at iba pa.

Nanguna sa top trending sa Twitter ang hashtags na #2018CatrionaGray at #CongratsCatrionaGray.

Heto naman ang reactions ng former Miss Universe Margie Moran (19730) at Gloria Diaz (1969) mula sa Twitter ng ABS-CBN News sa ating bagong Miss U:

“It was a tough competition. But Catriona was outstanding in the walk and performance in the question and answer.” -- Margie

“Amazing! She’s gorgeous and outstanding from the start. Well deserved victory!” -- Gloria

Maagang Pamasko sa mga Pinoy ang bago nating Miss Universe at after ng pageant, balik-trabaho na ang mga beki sa parlor with matching ngiti sa kanilang mga labi habang nagpapaganda ang kanilang mga customer.

Mabuhay ka, Catriona!