Rayver 'di napapahinga sa GMA

May 29, 2019

IT was only last September 6, 2018 nang lumagda ng kontrata ang dating Kapamilya actor na si Rayver Cruz sa bakuran ng GMA at agad niyang sinimulan ang kanyang first TV series sa Kapuso Network, ang “Asawa Ko, Karibal Ko” na pinagtambalan nila ni Kris Bernal mula sa direksiyon ni Mark Sicat de la Cruz.  Ang nasabing serye ay nagsimula umere nung October 22, 2018 at nagtapos nung nakaraang March 2, 2019.

Last Tuesday, May 28 ay nagkaroon ng story conference ang bagong serye na tatampukan ni Rayver, ang “The Haunted Wife” kung saan niya muling makakasama si Kris Bernal, ang dating Miss World na si Megan Young at Kim Domingo na nakatakdang idirek ni Jorron Monroy.  Makakasama rin sa nasabing serye sina Boots Anson Roa, Francine Prieto at Sharmaine Arnaiz.

Sunud-sunod  na ang proyekto sa GMA ng dating Kapamilya aktor. Eighteen years ding namalagi si Rayver sa bakuran ng ABS-CBN bago ito nagdesisyon na lumipat ng GMA.  Ang huling serye na ginawa ni Raver sa Kapamilya Network ay ang “Bagani” nung isang taon.

Samantala, ngayong nasa iisang bubong na sina Rayver at girlfriend nitong si Janine Gutierrez ay magiging posible na ang pagsasama ng dalawa sa isang project sa malapit na hinaharap.