Rayver at Rodjun masayang magkasama sa GMA

November 16, 2018

MASAYA ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz na silang dalawa ang mga pangunahing gumanap sa isang special anniversary episode ng “Magpakailanman” hosted by Mel Tiangco na ipinalabas kagabi, Sabado, Nov. 17 on GMA.

Si Rodjun ay dating nang Kapuso actor habang si Rayver ay dating Kapamilya actor na kamakailan lamang lumipat sa bakuran ng GMA kung saan siya actually nagsimula when he was still a kid.

Bukod sa special guesting ni Rayver sa “Magpakailanman” kasama ang kapatid niyang si Rodjun Cruz, regular na napapanood ang ex-boyfriend nina Shaina Magdayao, Cristine Reyes at Sarah Geronimo sa bagong simulang TV series na “Asawa Ko, Karibal  Ko” na tinatampukan din ni Thea Tolentino kasama sina Lotlot de Leon, Devon Seron (na dating ring Kapamilya), Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Maricris Garcia at iba pa.  May special guest role din sa nasabing serye sina Alma Morano at Jason Abalos na bagong lipat din sa Kapuso Network mula sa Kapamilya Network.

Na-link din noon si Rayver sa fashion stylist na si Liz Uy na naging ex-girlfriend noon ni John Lloyd Cruz at na-link din sa dating Pangulo at only brother ni Kris Aquino na si former President Noynoy Aquino.

Ngayon ay si Rayver ang napapabalitang bagong boyfriend ng Kapuso young star na si Janine Gutierrez, anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Monching) Gutierrez.