Rayver ulilang lubos na, Janine nabigla

February 04, 2019
Rayver Cruz & Omar Cruz

MALUNGKOT ang magkakapatid na Rodjun, Rayver at Omar Cruz sa maagang pagpanaw ng kanilang inang si Elizabeth Cruz nung nakaraang Sabado, February 2, dahil sa pancreatic cancer na kamakailan lamang na-diagnose.

Ulila nang lubos ang magkakapatid na Rayver, Rodjun at Omar dahil sumakabilang-buhay na rin ang kanilang amang si Rodolfo Ilustre nung 2009 pa due to kidney failure.

Dahil sa maagang pagpanaw ng ina, hindi na nito masasaksihan ang pag-iisang-dibdib ni Rodjun at ang fiancée nitong si Dianne Medina in December this year.

Si Rayver naman ay may bagong inspirasyon ngayon, ang kapwa niya Kapuso na si Janine Gutierrez na nabigla rin sa maagang pagpanaw ng ina ng kasintahan.