Reaffirmation ng wedding vows nina Anthony at Rossel, naghalo ang showbiz at pulitika

January 15, 2019
Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna
Couple Rossel and Anthony Taberna

ITINUTURING naming anak-anakan ang mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna kahit nung magkasintahan pa lamang noon ang dalawa. Kaya hindi namin puwedeng palagpasin ang imbitasyon ng mag-asawa para sa kanilang reaffirmation of wedding vows na itinaon sa kanilang ika-11th wedding anniversary last Monday, January 14, 2019 na ginanap sa Iglesia ni Cristo – Lokal ng EVM  sa Tagaytay City sa ganap na ika-4 ng hapon.  Ang reception naman ay ginanap sa The Fernwood Gardens also in Tagaytay.

Celebrity-studded na maituturing ang muling pagpapakasal ng mag-asawang Anthony or Ka Tunying at Rossel dahil marami kaming nakitang  showbiz, business and political figures na dumalo.  Namataan namin sa nasabing okasyon sina Sen. Cynthia Villar, Senator and former DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Sen. Win Gatchalian, mga kasamahan ni Ka Tunying sa “Umagang Kay Ganda” na sina Ariel Ureta, Winnie Cordero, K Brosas at ang dating Miss Unvierse 3rd runner-up (2013) na si Ariella ‘Ara’ Arida, Mons Romulo, ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, ang concert king na si Martin Nievera, Atom Araullo, ang radio partner ni Ka Tunying sa “Dos for Dos” ng DZMM na si Gerry Baja, ang basketball icon na si Robert Jaworski, ang big boss ng Chooks to Go na si  Ronald Mascarinas and his lovely wife, Angelita `Lita’ Mascarinas, ang mag-asawang Dr. Andres at Alice Eduardo, Amy Perez at marami pang iba.

Hindi nakadalo ang isa sa mga principal sponors na si Kris Aquino ganoon din ang kilalang businessman na si Ramon Ang.

Narito ang kumpletong talaan ng wedding entourage nina Anthony at Rossel.  Si Bro. Dan V. Orosa ang naging officiating minister.  Ang mga tumayong principal sponsors ay sina Bro. Eduardo Manalo at Sis. Babylyn Manalo, Bro. Emiliano Magtuto, Jr. at Sis. Grace Manalansan, Bros. Ross Landon at Sis. Leonita Bernabe, Jose Rizalino Acuzar and Sis. Noemi Pineda, Ronald Macarinas and Kristina Bernadette C. Aquino (Kris Aquino), Engr. Roseller Tolentino and Gloria Monica Chua, basketball icon and former Sen. Robert Jaworski and Pinky Rosagas, Alfonso de Verya and Winnie Erquiza, Carlos Gonzales and Melinda Sia, Dr. Andres Eduardo and Alice Eduardo, Ramon Ang end Rizza Moises at sina Ariel Ureta at Edelyn Go.

Si Allan Encarnacion ang tumayong bestman at maid of honor naman si Sis. Heidi Taberna. Ring bearer si Rocco Antonio Taberna at flower girl naman ang bunso sa dalawang anak nina Anthony at Rossel na si Helga Antoinette Taberna.

Ang mga tumayong groomsmen ay sina Bro. Dennis Ivan Aliermo, Bro. Marcos Taberna, Bro. Marlon Santos, Bro. Gerry Baja, Alfonso Tomas Araullo, Dr. Anthony Leachon, Bernard Peralta, Rommel Sytin, Jorge Carino at Jomas Canlas.

Ang mga bridesmaids naman ay kinabibilangan ng panganay nina Anthony at Rossel na si Azasia Zoey Taberna, Sis. Maria Katrina Ting, Sis. Janel Esguerra, Jacqueline Vitangcol, Councilor Precious Hipolito-Castelo, Deoanna Bitong, Armida Perez- Castillo (Amy Perez), Sheila Santos, Michelle Sy at Ivy Joson.

Si Mark Tumang, na gumawa ng mga isinuot na gown ng bagong Miss Universe na si Catriona Gray, ang siya ring gumawa ng napakagandang off-white wedding gown ni Rossel habang si Paulo Lazaro naman sa suit ni Anthony.

Naging very solemn and intimate ang naging wedding ceremony  na pinamunuan ng officiating minister na si Bro. Dan Orosa.  Karamihan sa invited guests ay sa reception na tumuloy.   Pero nagkaroon muna ng cocktails sa open garden ng The Ferwood Gardens bagama't ang iba ay pumasok agad sa main lobby dahil sa sobrang ginaw ng panahon doon pag gabi.

Samantala, sina Anthony at Rossel ay sa Taiwan magha-honeymoon dahil gagamitin ng mag-asawa ang kanilang  travel incentive (four days) mula sa kanilang Ka Tunying’s Café at Outbox Media companies but they will only be gone for four days dahil limitado umano ang leave ni Anthony sa ABS-CBN where he is seen everyday (Monday-Friday) sa morning TV program na “Umagang Kay Ganda” at sa radio program nila ni Gerry Baja sa DZMM, ang “Dos for Dos”.

Since may pasok sa school ang dalawa nilang anak na sina Zoey at Helga  hindi nila maisasama ang mga ito sa Taiwan.

Ang mag-asawang Anthony at Rossel ay parehong successful entrepreneurs with their own Ka Tunying’s Café branching out in more areas at kasama na rito ang kanyang main branch in Visayas Avenue in Quezon City,  NAIA 3 Food Hall, NAIA 3 International Departures, SM North EDSA Towers, Sta. Rosa and San Isidro, Nueva Ecija and more to come.  Nariyan pa ang pinatatakbong Outbox Media Events company ni Rossel.