Regine, Anne susuportahan si Sarah

August 28, 2019

MAY special guest participation sina Regine Velasquez at Anne Curtis sa ginagawang pelikula ngayon ng Pop Princess na si Sarah Geronimo  na “Unforgettable” under Viva Films ang IdeaFirst Company na pinamamahalaan ni Jun Robles Lana.

Si Sarah ay huling napanood sa Philippine adaptation ng Korean movie na “Miss Granny” na dinirek ni Joyce Bernal at ipinalabas nung isang taon kaya ngayon pa lamang ay sabik na ang kanyang mga followers sa kanyang first and only movie for the year, ang “Unforgettable” kung saan din niya kasama sina Gina Pareno, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial at Yayo Aguila.

Samantala, wala pang abiso ang Viva Films kung kelan nila sisimulan ang movie remake ng “Pedro Penduko” na inatrasan ni James Reid at pinalitan ng nobyo ni Sarah na si Matteo Guidicelli.  Ito’y nakatakdang idirek ni Treb Monteras.

Ngayong nasa iisang management company na sina Sarah at Matteo ay posible nang magsama ang dalawa sa movies, concerts at maging sa recording.

“Everything naman is possible,” positibong pahayag ni Matteo nang huli namin itong makausap.  Pero naging rule na ng magkasintahan na huwag magsama sa isang project para mapangalagaan ang kanilang relasyon lalupa’t pareho sila ng mundong ginagalawan.  Pero ang maganda sa dalawa, they are more open now sa kanilang relasyon kumpara nung bago pa lamang sila.

Matteo sees Sarah as a wife material.