Home>Entertainment>Showbiz>Regine boss ang turing sa anak

Regine boss ang turing sa anak

Regine Tolentino

FORTY-two-year-old host, actress, dancer-choregorapher, fashion designer, fitness instructress, social influencer, inspirational speaker and entrepreneur Regine Tolentino did not expect herself na magkakaroon pa siya ng panibagong baby after two decades when her youngest daughter, Reigen (20) was born. Sa gitna ng pandemya nung March 27, 2020 (two days after the lockdown in Metro Manila) ay isinilang niya ang kanyang pangatlong daughter but her first sa kanyang present partner, ang photographer-director na si Dondi Narcisco, si Rosie Rignee. Rosie turned one year old last March 17.

Regine, a US-born and raised to Filipino parents was in her teens when her parents decided to relocate in Manila kahit ayaw niya.

“I had no choice,” aniya.

In 1995, naging bahagi siya sa unang batch ng Star Magic (Star Circle then). It was in 1997 nang siya’y ma-handpicked as the very first Filipina na maging VJ (video jock) ng MTV-Asia in Singapore. On same year, naging bahagi rin siya sa TV series na “Flames” kung saan sila nagkasama ng kanyang ex-husband, ang actor na si Lander Vera Perez. Sa nasabing programa na-develop ang pag-iibigan nila ni Lander na agad nauwi sa kanilang secret civil wedding. Four months later ay nagpakasal sila sa simbahan at sila’y nabiyayaan ng dalawang anak na parehong babae, sina Azucena Reigne (22) at Alyssandra Reigen (20). Pero pagkaraan ng halos limang taon in 2001 ay nagkahiwalay ang mag-asawa only to reconcile months later. Pero tuluyang nagkahiwalay in 2015.

Raising two growing up girls singlehandedly was not easy for Regine who has to two work doubly hard for her kids pero kinaya niya without support from her ex-husband.

Sa dalawang anak, tapos na sa kanyang pag-aaral ang panganay na si Reigne at malapit nang magtapos si Reigen. Involved na si Reigne sa operations ng iba’t ibang business ng kanyang mom (Regine).

“She’s the boss,” pagmamalaki ni Regine sa kanyang panganay na anak.

Regine admits na bukod sa kanyang two amazing daughters, she is blessed with her present partner na si Dondi and their baby daughter na si Rosie. Very close din umano si Dondi sa two elder daughters ni Regine at siya ang tumatayong father figure ng dalawa.

Unknown to many, isa ang dating beauty queen-turned actress, dating miyembro ng Viva Hot Babes at dating politician na si Andrea del Rosario sa closest friend ni Regine. They are there for each other laluna sa panahong may problema ang isa sa kanila. Alam nila pareho ang buhay ng isa’t isa laluna pagdating sa problema kung saan sila pareho nagdadamayan.

Anddrea del Rosario

“Pareho kaming talents noon ng Star Magic,” panimula ni Regine.

“When I left “Palibhasa Lalake” (a TV sitcom ng ABS-CBN), Andrea took over my place. Since then we touched base laluna when I moved to GMA to do “Unang Hirit,” kuwento pa ni Regine.

“Hingahan namin ang isa’t isa laluna kapag ang isa sa amin ay may problema hanggang ngayon,” dagdag pa niya.

Ang ipinagpapasalamat ni Andrea

Andrea Del Rosario

ANG 43-year-old old former beauty queen-turned actress na si Andrea del Rosario has a 10-year-old daughter, Beatrice Ann or Bea by a prominent businessman at dating politician.

Back in 2010, Andrea who gave birth to her daughter in the U.S. nung May 28, 2010 had to extend her stay in the hospital dahil two days matapos isilang ang kanyang baby ay kailangan itong operahan dahil sa kumplikasyon ng intestines ng bata.. Almost two years ding namalagi sa Amerika si Andrea dahil kailangang i-monitor ang kalagayan ng bata and when her daughter was finally well ay doon lamang bumalik ng Pilipinas ang actress with her daughter.

Sa pagbabalik ng Pilipinas ay saka lamang muling ipinagpatuloy ni Andrea ang kanyang showbiz career. A few years later ay saka naman niya nakilala ang kanyang longtime partner, ang professional polo player na si Anthony Garcia.

Ang isang ipinagpapasalamat ni Andrea ay ang pagiging extra close ng kanyang anak na si Bea kay Anthony na siyang tumatayong father figure ng bata more than her biological father na isang kilalang businessman.

Half of the year ay nasa America si Anthony na may kinalaman sa kanyang pagiging polo player kaya may posibilidad din umanong sa Amerika sila mamirmihan laluna kapag nag-desisyon ang kanyang anak na si Bea na mag-aral sa Amerika balang araw.

“I love showbiz dahil dito ako nagsimula pero priority ko ang pamilya ko,” ani Andrea.

“If I can mix both tulad ngayon, walang problema,” aniya.

Si Andrea ay sumubok sa pulitika nang siya’y tumakbo sa pagka-vice mayor ng Calatagan, Batangas (where she maintains a resthouse and a farm) for one term. When she was in politics ay nag-lay low siya sa kanyang showbiz career.

Samantala, sa rami ng mga kaibigan ni Andrea in and out of showbiz, ang pagkakaibigan nila ni Regine Tolentino ang isa sa kanyang tini-treasure hanggang ngayon.

“Through thick and thin ang friendship namin ni Regine,” diin pa ni Andrea na isa sa bumubuo ng cast ng horror movie na “Biyernes Santo” na streaming simula ngayon sa Vivamax.

Ang “Biyernes Santo” ay tinatampukan din nina Gardo Versoza, Ella Cruz, Mark Anthony Fernandez at kung saan ipinapakilala si Via Ortega mula sa direksiyon ni Pedring Lopez under Viva Films

Fanny nabubuhay dahil sa life support

Fanny Serrano

IT was only last week when celebrity make-up artist and fashion designer Fanny Serrano was rushed to the hospital matapos itong magkaroon ng massive stroke, his second after September 2016 kung saan siya naka-recover.

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay isa sa pinakamalapit kay Fanny along with other known celebrities tulad nina Lorna Tolentino, Zsa Zsa Padilla at marami pang iba.

Naging emotional ang misis ni Sen. Kiko Pangilinan nang malaman niya ang kalagayan ni TF (Tita Fanny) na nabubuhay na lamang ngayon sa pamamagitan ng life support o sa tulong ng machines na nakakabit sa kanya.

Patuloy na humihingi ng dasal si Sharon na sana’y madugtungan pa ang buhay ng well-loved na si Fanny Serrano or TF sa mga taong malalapit sa kanya.

Subscribe, like, share and hit the notification button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger