Regine ibinisto ang mga dating leading men

November 20, 2018
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez Alcasid

LAST Friday evening ay guest si Regine Velasquez sa “Tonight with Boy Abunda” hosted by King of Talk na si Boy Abunda.  Sa nasabing programa ay nalaman na pinag-selosan pala noon ng mister ni Regine ngayon na si Ogie Alcasid si Robin Padilla nang magkasama ang dalawa sa isang pelikula, ang “Till I Met You” na ginawa nila in 2006.  At that time ay may relasyon na sina Ogie at Regine na hindi pa alam ng publiko.  Kilala kasi si Robin noon sa pagiging chickboy kaya nagselos sa kanya ang singer-composer at TV host-comedian.

Sina Regine at Robin ay dalawang beses nagtambal sa pelikula.  Nauna na rito ang “Kailangan Ko’y Ikaw” in 2000.

Sa guesting ni Regine sa TWBA, inamin din niya that among her previous leading men sa pelikula, si Aga Muhlach umano ang pinaka-kuripot at madalas late dumating.  Pero sa next pairing nila ay maaga na umanong dumating si Aga dahil ayaw umano nitong magbayad ng P5,000 fine each time na mali-late.

Sina  Regine at Aga ay tatlong beses nagtambal sa pelikula, una in 1999 sa pamamagitan ng “Dahil May Isang Ikaw” na sinundan ng “Pangako Ikaw Lang” in 2001 at ang pangatlo at last movie na nagawa ni Regine ay ang “Of All The Things” in 2012.

Nakatambal naman ni Regine si Richard Gomez in 2002 sa pelikulang “Ikaw Lamang Hanggang Ngayon” at si Piolo Pascual in 2007 sa pelikulang “Fallin”.

Given the chance, gusto  ng Songbird na makatrabahong muli ang dati niyang leading men maging ang mga bagong lead actors ng Kapamilya Network.