Regine inupakan ni Tulfo, Ogie to the rescue

April 24, 2019
Regine Velasquez Alcasid
Regine Velasquez Alcasid

NAPAGTUUNAN ng pansin ng kilalang matapang na broadcaster na si Ben Tulfo ang tweet ng Songbird na si Regine Velasquez patungkol sa pahayag ni DFA Secretary Teddy Locsin na may kinalaman sa pangunguha diumano ng clams ng ilang Chinese nationals sa bahagi ng dagat na inaangkin din ng Pilipinas.

Ayon kay Locsin, "I am not going down in history as a clam defender, okay? It's a complaint; we're looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market."

Napagtuunan naman ng pansin ng Songbird ito at nagkomento sa Twitter:

"Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!"

In fairness, sumagot ang DFA secretary kay Regine: "Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ."

Noong Lunes, April 22, bago lumindol nang malakas, nagpalindol muna si Ben Tulfo through Facebook Live.

Anang komentarista, "Ang mensahe ko sa 'yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa The Songbird of Asia."

Marami pang sinabi si Tulfo pero iisa ang tinutumbok: wag makialam sa isyu si Regine,  dahil "wala kang alam."

Kaagad namang ipinagtanggol ng mister ni Regine na si Ogie Alcasid ang asawa. Anito, babae ang kanyang asawa at di dapat patulan, at ibinibigay niya ang kanyang "pisngi" para siya na lang ang sumalo kung anuman ang problema ng komentarista sa Songbird.

Well, marami siyempre ang nag-react para ipagtanggol si Regine. Unfair nga naman na sabihing pababa na ang career nito dahil nakakapuno pa rin ito ng buong Araneta Coliseum at iba pang malalaking venue sa kanyang concert. Siya rin ang headliner ng toprating na ASAP.

At kung pulitika ang pag-uusapan, marami sa mga nasa gobyerno ngayon ay galing sa showbiz, at ang ilan sa mga nangungunang pangalan sa survey on the probable winners sa senatorial slate ay mula sa showbiz, at ang Senate president na si Tito Sotto ay galing sa showbiz.