Regine isang taon nang Kapamilya

September 10, 2019
Regine Velasquez Alcasid

ISANG taon na si Regine Velasquez-Alcasid bilang Kapamilya ngayong October.

It was on October 17, 2018  when she officially signed her contract with ABS-CBN. Obviously, her network transfer was a shot in the arm for her career. Ngayon, madalas na siyang nakapag-concert abroad. Malaking tulong ang TFC sakanyang mga show abroad. Aminin o hindi, mas kilala ng mga kababayan natin abroad ang mga Kapamilya stars.

Hindi naging madali ang paglipat ni Regine sa Kapamilya network. Hanggang ngayon, may mga bumabatikos pa rin sakanyang naging desisyon. Kamakailan lang, isang netizen ang bumatikos sa kanyang performance sa Bay Area edition ng "ASAP Natin 'To!" But professional as she is, the Songbird apologized and told her basher that she would improve her singing to that effect. Kung tutuusin pwede niyang dedmahin 'yun pero nag-sorry pa rin siya dahil marespeto siya sa kanyang audience. Kaya naman hanggang ngayon makislap pa rin ang kanyang bituin bilang Asia's Songbird.

Kitang-kita din sa kanyang aura ang sigla at saya sa pagiging Kapamilya. Ang tanong: masaya rin ba kaya ang ABS-CBN kay Regine? Just asking....