Regine nakatagpo na ng bagong pag-ibig

October 26, 2019
Regine Tolentino

IT's been almost six years nang muling magkahiwalay for the second time ang estranged couple na sina Regine Tolentino at Lander Vera Perez in 2014.  Although nag-reconcile ang dating mag-asawa in 2013 after their first separation in 2001, their second became their final break-up dahil pino-proseso na ang annulment ng kanilang kasal.  Wala na ring komunikasyon ang dating couple.

Nasa poder ni Regine ang dalawa nilang anak na sina Azucena Reigne (20) at Alyssandra Reigen (19) both grown-ups.  Tapos na ng pag-aaral si Reigne na isang scholar ng Ateneo de Manila University.  Graduating student naman ang bunsong si Reigen taking up filmmaking.

Inamin ng singer-dancer-choreographer, licenced dance fitness instructor, social media influencer, host, fashion designer, inspirational speaker and entrepreneur na si Regine na matagal na umano siyang nakapag-move on sa paghihiwalay nila ni Lander.  Ang mahirap lang, wala ring komunikasyon si Lander sa kanilang dalawang anak kahit magkakalapit lang sila ng tirahan.

“Nasanay na rin ang mga anak ko na hindi nila nakikita at nakakausap ang kanilang ama,” ani Regine who admitted to us that she is happily in a relationship now with a non-showbiz guy na isang businessman na nagngangalang Dondee, who, according to her, is very close to her two daughters at sa kanya (Dondee) nila nahanap ang father figure.

Grabe ang pagiging multi-tasking ni Regine.  Sa kabila ng kanyang role bilang ina, nakakaya nitong hatiin ang busy schedule sa iba pa niyang ginagawa – ang pagiging singer-dancer, professional fitness instructor, pagiging host, fashion designer sa kanyang Regine Tolentino Atelier, ang pagiging dancer-choreographer sa sariling RT Studios, ang pagiging creative director ng 4.0 Events Management, pagiging host ng iba’t ibang events maging sa telebisyon at pagiging isang actress.

“Since my daughters are both grown-up now, hindi na sila alagain unlike when they will still kids,” ani Regine. “But we bond together more often.  We make it a point that we eat  together at least in one meal a day unless I’m out of town.”

Ayon kay Regine, it was her kids who pushed her to find another love pero kusa na lamang umano siyang dumating sa kanyang buhay.

Regine was born and raised in California, USA. She was 15 nang mag-relocate sa Pilipinas ang kanyang family at kasunod na rito ang kanyang pagpasok sa showbiz.

Si Regine ay isa sa original batch ng Star Circle (now Star Magic) Batch 1 ng ABS-CBN.  Since hindi pa umano siya marunong mag-Tagalog, she took her Tagalog lessons very seriously.  Habang ginagawa ni Regine ang drama anothology na “Flames” ay nakilala nya ang baguhang actor din noon na si Lander Vera Perez who was six years her senior.  At kasunod na rito ang kanilang pagpapakasal secretly sa isang civil wedding rites in 1997 and four months later ay ikinasal sila sa simbahan.

Si Regine ang kauna-unahang Filipina na naging VJ sa MTV Asia in Singapore.

Marami ang nanghinayang sa maagang pag-aasawa ni Regine dahil nagsisimula pa lamang noon umangat ang kanyang career.  But she was so in love then and she couldn’t care less kung makakabalik pa siya o hindi. Mas lalong tumagal ang kanyang pagkawala sa limelight nang ipagbuntis niya nang magkasunod ang dalawa nilang anak. Pero nung lumaki-laki na ang dalawa bata ay nagbalik-showbiz si Regine at madali siyang nakabawi.

Magkasunod din niyang itinatag ang kanyang negosyo – ang kanyang boutique and fashion store na Regine Tolentino Atelier at ang RT Dance Studio na parehong matatagpuan sa Valencia Hills Condominium along Valencia St. corner N. Domingo St. in Quezon City.  It keeps her afloat as a single mom to her children plus her other jobs bilang singer-dancer, dance fitness instructor, actress at host.

As a single parent to her two daughters, she was able to provide them a good education and good life.

“God has been good to me.  I am able to provide my children good life and education,” aniya.