Regine-Sarah concert tiyak na sold-out

December 17, 2019
Regine Velasquez Alcasid

NGAYON pa lamang ay tila agawan na sa pagbili ng concert tickets ang respective fans ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at Popstar Royalty na si Sarah Geronimo para sa kanilang two-night Valentine concert sa Big Dome (Smart Araneta Coliseum) on February 14 and 15, 2020 na pinamagatang “Unified”.  Ito’y produced ng Viva Live in co-production with Regine’s sister-manager na si Cacai Velasquez-Mitra.

Kung sold-out ang past collaboration ni Regine with Vice Ganda and with Megastar Sharon Cuneta last February and October this year, inaasahang ganoon din ang mangyayari sa Regine and Sarah first major concert.

Posible rin ang pagsasama sa concert nina Sharon at Sarah and eventually silang tatlo ni Regine na ngayon pa lamang ay marami na ang nai-excite.

Malamang na ang “Unified” concert nina Regine at Sarah ang maging last concert ng Popstar bilang single artist  dahil malapit na siyang ikasal sa kanyang fiancé na si Matteo Guidicelli.  Pero kahit mag-asawa na si Sarah ay patuloy pa rin naman umano siya sa kanyang singing and acting career kung saan ay suportado siya ng kanyang future husband na si Matteo.

Samantala, may suspetsa kami na isa si Regine sa mga kukuning ninang sa kasal nina Sarah at Matteo na inaasahang mangyayari ngayong 2020.