Home>Entertainment>Showbiz>Regional anchors, hosts ng ABS-CBN nagpaalam na rin

Regional anchors, hosts ng ABS-CBN nagpaalam na rin

VERY heartbreaking ang pamamaalam sa ere ng regional anchors and reporters kasama ng libu-libong empleyado ng ABS-CBN last Friday, August 28, their last working day sa kumpanya. They were all retrenched dahil sa pagkaka-deny ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi man kami naging empleyado ng ABS-CBN, naramdaman namin ang hirap na mawalan ng hanapbuhay.

Ilang miyembro ng kanilang pamilya ang umaasa sa mga nawalan ng trabaho? May mga financial obligation sila na kailangang harapin sa gitna pa ng pandemya.

Pero isa kami sa naniniwala na muling magba-bounce back ang ABS-CBN balang araw tulad ng pagkakasara sa kanila nung Martial Law days. They will even emerge stronger than ever.

But for now, lahat ng mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN ay kailangang maghanap ng ibang pagkakakitaan sa napakahirap na sitwasyon.

Samantala, nakakadurog ng puso na isa-isang nagpaalam ang mga radio anchor sa DZMM teleradyo tulad ng tambalan nina Anthony Taberna at Gerry Baja, Vic de Leon Lima, Jeff Canoy, ang tambalan nina Ogie Diaz at MJ Felipe, ang team-up nina Ambet Nabus at Gretchen Fullido at marami pang iba.

Naging madamdamin din ang pamamaalam sa ere ng FM station ng ABS-CBN ang MOR101.1 kung saan kabilangsi DJ ChaCha.

Ang aming pagmamahal at pakikisimpatiya sa inyong lahat.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)