Relasyon ni Aiko sa mayor ng Subic, mauuwi sa kasalan

December 01, 2018
Aiko Melendez and Jay Khonghun
Aiko Melendez and Jay Khonghun

Galing na mismo kay Subic Mayor Jay Khonghun ang pag-aming puwede nang mauwi sa kasalan ang relasyon niya sa award-winning actress na si Aiko Melendez.

Although, hindi raw nila nira-rush ang mga bagay-bagay lalo na’t one year and a month pa lang naman ang kanilang relasyon.

“Every relationship naman is ’yun talaga ’yung goal. Pagdating sa amin, hindi naman exception. Talagang ang goal namin is, someday, ikasal, magbuo ng family. Siyempre, forever and ever amen,” sambit ng mabait na alkade.

Itinanggi naman ni Aiko ang isyung nagli-live in na sila ng alkalde na tatakbong vice-governor ng Zambales sa midyear elections sa 2019.

“Hindi kami nagli-live-in, to begin with, may bahay ako sa Maynila. Everytime I’m here, ’yung family naman kasi niya (Mayor Jay) is very welcoming. Ayaw naman nila akong mag-stay sa hotel or anything so, I stay with their family,” kuwento ng Kapamilya actress.

Kaysa pag-usapan ang mga negatibong isyung ibinabato sa kanila, mas gustong pag-usapan ni Aiko ang pelikulang Rainbow’s Sunset na official entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Sobrang happy ako na meron akong entry ulit because after a long time  lagi naming dino-dominate ni Goma (Richard Gomez) ang MMFF, yearly meron kaming entry at na-stop. Finally, hindi ako mapapahiya sa entry naming Rainbow’s Sunset kasi cast pa lang namin, powerhouse cast na plus Direk Joel Lamangan. So parang blessed talaga ako na nabigay itong project sa akin,” salaysay ni Aiko.

Ikinatuwa rin ng aktres na nabigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng PG rating ang pelikula.

“Happy kami because we were given a PG-rating by the censor, knowing na ’yung material namin is kinda delicate but we’re getting good reviews,” sagot ni Aiko.

Ang Rainbow’s Sunset ay magbubukas sa December 25 at pinagbibidahan ito nina Eddie Garcia, Tony Mabesa at Ms. Gloria Romero. Kabituin din sina Aiko, Sunshine Dizon at Tirso Cruz, III at marami pang iba.