‘Relasyon’ nina Shaina at Piolo, mahiwaga

June 06, 2019
Shaina Magdayao and Piolo Pascual

HINANGAAN ng mga manonood ng iWant digital series sina Loisa Andalio at Shaina Magdayao sa kanilang portrayal ng  the young and old Shantal sa “Past, Present, Perfect” na pinamahalaan  ni Dwein Baltazar na siyang nagsulat ng blockbuster movie na “Exes Baggage” ng mag-ex sweethearts na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.  Kamakailan lamang ay nanalong Best Director  at Best Screenplay si Direk Dwein para sa pelikulang “Gusto Kita With All My Hypothalamus” na siya ring itinanghal na 2019 Best Picture ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards.

Bukod kina Loisa at Shaina, tampok din sa romance-drama  digital series na “Past, Present, Perfect” sina Allan Paule, Romnick Sarmenta, Awra Briguela, Amy Nobleza, Angelie Sanoy, Elijay Canlas, VJ Mendoza, Alorah Sasam, Eda Nolan, Anthony Falcon, Iana Bernardez at Peewee O’Hara.

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang nahihiwagaan sa estado ng totoong relasyon ni Shaina sa singer-actor-TV host-turned-movie producer na si Piolo Pascual.  There was even a time na inamin ni Piolo na exclusively dating sila ni Shaina.  Last May 23, 2019 ay nagkasama sina Piolo at Shaina sa 2019 Cannes Film Festival sa Cannes para sa pelikulang “Ang Hupa” (“The Halt”) na dinirek ni Lav Diaz and was screened at the Directors Fortnight (non-competitive).  

Bago na-link kay Piolo si Shaina ay matagal niyang naging boyfriend si John Lloyd Cruz na masaya na ngayon sa present partner niyang si Ellen Adarna kasama ang kanyang almost one-year-old son na si Elias Modesto who will turn one-year old sa darating na June 27.