Relasyon sa beauty queen, kinumpirma ni Jolo

February 14, 2019
Jolo Revilla

Sen. Sonny, nadale ng senior moment.

ITINAON talaga ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang pag-amin sa matagal-tagal na ring nababalita na relasyon nila ng isang beauty queen sa mismong Araw ng mga Puso kahapon.

Sa isang Instagram post, kung saan makikitang sweet sila sa isa’t isa ng Binibining Pilipinas 2016 first runner-up na si Angelica Alita, sinabi ng aktor na, “Angel, happy valentine's day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. You've been caring, loving and supportive to me. I love you and will always will.”

Matatandaan na huling nakarelasyon ni Vice Gov. Jolo ang aktres na si Jodi Santamaria. Anim na taon ding tumagal ang romansa nila na on and off.

Marami ang nag-wish na magkatuluyan ang dalawa, pero dahil sa hayagang pag-amin na ito ng anak nina senatoriable Bong Revilla at Mayor Lani Mercado, gumuho ang pag-asa ng Jodi-Jolo supporters na magkakabalikan pa sila.