Relasyong Rayver-Janine, nilantad!

January 04, 2019
Rayver Cruz and Janine Gutierrez
Rayver Cruz and Janine Gutierrez

INILANTAD na ni Rayver Cruz sa kanyang Instagram account na magkasama sila ni Janine Gutierrez sa US nu’ng holidays.

Sa harap ng isang tila castle sila may picture habang nakaakbay si Rayver kay Janine.

Ang caption ng Kapuso actor, “Forever young ... 2019.”

Sa fotos na pinost ni Janine sa kanyang IG, kasama niya ang mga kapatid niya at father na si Ramon Christopher habang nasa isang tourist spot, ang LACMA.

Pero never nasingit si Rayver sa litrato, huh!

Pinusuan ni Kyline Alcantara ang picture nilang dalawa habang si Sofia Andres, eh, nagsabi na, “Kyooooot!” ang pose nila.

Wala mang kumpirmasyon sina Janine at Rayver kung may relasyon na sila, eh, samahan ba naman ng aktor ang Kapuso actress sa States, puwede nang kumpirmasyon ’yon na silang dalawa na ngang talaga, huh!

Naku, walang kawala si Janine sa mga tanong tungkol kay Rayver once humarap siya sa presscon ng Regal Entertainment movie niyang Elise, kung saan si Enchong Dee ang kapareha niya.