Relasyong Ruru-Bianca, ibinuking ni Gladys

February 02, 2019

Ibinuking ni Gladys Reyes ang “special friendship” nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa grand mediacon ng TODA One I Love na produced ng GMA Public Affairs.

Kaharap ni Gladys ang leading man ni Kylie Padilla sa show at ilang press people.

Sa kuwento ni Gladys, nagkasama sila ni Bianca sa isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko at naitanong niya sa rumored girlfriend ni Ruru kung payag itong magpa-convert sa INC (Iglesia ni Kristo) kung saan miyembro ang aktor.

Malutong na ‘willing’ naman daw ang sagot ni Bianca sa tanong ni Gladys.

Kuwento pa ng misis ni Christopher Roxas, “Ang unang itinanong ko sa kanya, kung sakali bang maging sila, willing siyang magpa-convert? Willing!”

Nag-blush si Ruru na kaharap namin at nagpaliwanag.

“Sige na nga,” lahad ni Ruru. “Tungkol po sa aming dalawa, masasabi ko pong hindi pa po. Hindi pa.

“Sa amin kasi, kumbaga, nagpu-focus kami ngayon sa work. Right now, I’m doing TODA and she’s doing Sahaya. So, ang dami rin niyang ginagawa. Paano pa namin isisingit ’yan?

“Si Bianca, she’s one of the prettiest girls I know, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Pero, kumbaga, kahit sinong tao, puwedeng magkagusto sa kanya.”

“Sa Sunday PinaSaya, sobrang magkakaibigan kami. Para kaming isang pamilya, so hindi maiwasang magkakasama-sama kami. Nagkataon sigurong nakikita kami together, nagpipikturan kami together, pero kaibigan lang eh,” mahabang paliwanag ni Ruru na ayaw paniwalaan ng press people.

Ang programang TODA One I Love ay isang political rom-com at mapapanood simula bukas, February 4, sa telebabad block ng GMA.

Kasama rin sa show sina David Licauco, Jackie Rice, Tina Paner, Allen Dizon, Kim Domingo, Kimpoy Feliciano,  Buboy Villar, Archie Alemania at iba pa.

Mula ito sa direksyon nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka.