Rhap wala nang itinatago

February 15, 2020
Rhap Salazar
Rhap Salazar

ANG Instagram post ni Rhap Salazar noong Valentine’s Day ang nagbigay ng idea sa kanyang followers na involved siya sa same-sex relationship pero walang kumpirmasyon o denial mula sa young singer.

Parehong topless at nakatalikod sa kamera si Rhap at ang kanyang kasama habang pinagmamasdan  nila ang falls ang litrato na may caption na “ Today, let us celebrate Love ang inilagay niya sa kanyang Instagram account.

Nagkaroon ng maraming mga haka-haka tungkol sa intriguing post ni Rhap na nag-celebrate ng 23rd birthday noong February 23 kaya nasa legal age na siya para makipagrelasyon.

May mga nagsabi na “ finally,nag-come out” na si Rhap na hindi makatarungan dahil kahit noong teenager pa siya, walang pagtanggi o pag-amin ang young singer tungkol sa kanyang sexual orientation.

Nonetheless, marami ang maligaya para kay Rhap dahil naging matapang siya sa pagpapakatotoo at maligaya sa piling ng mystery person na nagpapasaya sa kanya sa kasalukuyan.