Rhea naka-adjust kaagad sa buhay-Canada

August 23, 2019

FORTY-year-old award-winning broadcast journalist, host ng “Tunay na Buhay” at isa sa hosts ng daily morning show na “Unang Hirit” ng GMA na si Rhea Santos left her home studio of 18 years with a heavy heart to migrate to Vancouver, Canada with her family – her husband na si Carlo de Guzman and two sons.

Unang linggo ng August umalis ang mag-anak patungong Vancouver at unti-unti na silang nakakapag-adjust sa kanilang buhay roon.

The first thing na ginawa ni Rhea pagdating ng Canada ay mag-grocery at mamili ng mga gamit nila sa bago nilang tahanan.

It seems na mabilis na nakapag-adjust si Rhea and her family dahil nakuha na nilang makapamasyal sa iba’t ibang magagandang lugar ng Vancouver tulad ng A-Maze-ing Laughter Bronze Statues at Morton Park, biking sa Stanley Park, Garry Point Park at sa Vancouver Art Gallery.

Dahil sa walong taon ni Rhea sa “Unang Hirit,” nasanay na siyang magising nang maaga para mag-biking sa paligid.

Ngayong nasa Canada na si Rhea, balak niyang mag-aral ng digital journalism.

Samantala, si Mariz Umali ang pumalit kay Rhea sa “Unang Hirit” at si Pia Arcangel naman bilang bagong host ng profile program ng GMA na “Tunay na Buhay” who was just too glad to accept the post.