Home>Entertainment>Showbiz>Rhen tumatanaw ng utang na loob kay Coco

Rhen tumatanaw ng utang na loob kay Coco

HINDI ikinakaila ng young actress na si Rhen Escano na malaking bagay sa kanya ang magandang exposure sa top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga director ng serye.

“Habambuhay ko pong tatanawing utang na loob `yan kay Coco at sa bumubuo ng “Ang Probinsyano,” pahayag ni Rhen na isa sa mga produkto ng “Walang Tulugan with the Master Showman” on GMA ng yumaong star builder, actor-comedian at TV host na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)