Rhen walang kyeme sa paghuhubad

July 07, 2020
Rhen Escano
Rhen Escano

HINDI ikinakaila ng young actress na si Rhen Escano na kamuntik niyang talikuran ang showbiz nang sumakabilang-buhay ang kanyang tatay-tatayan na si German `Kuya Germs’ Moreno at mawala sa ere ang 20-year-old late night show nitong “Walang Tulugan with the Master Showman”.  Pero nagbago ang takbo ng lahat nang siya’y dalhin ng kanyang manager sa Viva which is now co-managing her.

Na-impress sa kanyang ipinakitang acting ang Viva top honcho na si Boss Vic del Rosario kaya binigyan siya ng sunud-sunod na supporting roles hanggang mabigyan siya ng kanyang biggest role sa pamamagitan ng erotic-thriller movie na “Adan” na pinagsamahan nila ng dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda. Ang nasabing role ang nagdala kay Rhen sa longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan siya ngayon kabilang.

Napanood din si Rhen sa “Untrue” movie nina Cristine Reyes at Xian Lim at kasama rin siya sa local movie adaptation ng pelikulang “Spellbound” na tinatampukan nina Bela Padilla at Marco Gumabao.

Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, wala rin siyang kiyeme sa paghuhubad kung kinakailangan sa istorya tulad ng ginawa niya sa “Adan” at “Untrue”.