Rhian damay sa JM-Barbie issue?

November 29, 2018
Rhian Ramos and JM de Guzman
Rhian Ramos and JM de Guzman

NAGTATAKA ang Kapuso actress na si Rhian Ramos,  bidang babae sa pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” kung bakit nadadawit ang kanyang pangalan sa issue between leading man JM de Guzman and his rumored girlfriend na si Barbie Imperial na naging co-star ng Kapamilya actor sa nagtapos na panghapong serye ng ABS-CBN, ang “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi”.  Ang mga netizen ang nagsimula ng `sigalot’ sa pagitan nina JM, Rhian at Barbie.  Inakusahan sina JM at Rhian na may relasyon bagay na ikinagulat ng dalawa.  In the process ay tila affected na rin kung anumang relasyon meron ngayon sina JM at Barbie matapos mag-post ang huli sa kanyang Instagram account ng “Young but not stupid” na inaakala at pinaniniwalaan ng iba ay patama umano  kay JM.

Nag-apologize si JM kay Rhian dahil sa pagkakadamay ng kanyang pangalan bagay na nauunawaan naman ng Kapuso actress.

Si Rhian ay humingi ng six months leave of absence sa GMA dahil nakatakda siyang umalis patungong New York City, USA this weekend para mag-aral ng acting including comedy improvisation.  This will be her first time to be away from her family and be on her own sa loob ng anim na buwan kaya mapipilitan siyang kumilos mag-isa sa Big Apple including doing her groceries, pagluluto, cleaning-up, do the laundry at iba pang chores dahil wala siyang ibang aasahan.  Ito rin ang unang pagkakataon namagsi-celebrate siya ng white Christmas away from home.

Samantala, dapat mag-usap nang masinsinan sina JM at Barbie at sana’y huwag silang magpa-apekto sa bashing ng iba na wala namang alam sa tunay na nangyayari sa kanila.