Rhian at JM kinakitaan ng chemistry

November 14, 2018
Rhian Ramos
Rhian Ramos

PALABAS ngayon sa mga sinehan (nationwide) ang directorial movie debut ng commercial director-turned full-length movie director na si Joel Ruiz, ang romantic film na “Kung Paano Siya Nawala” na tinatampukan ng Kapuso Star na si Rhian Ramos at Kapamilya actor na si JM de Guzman under TBA Studios which the two lead stars also co-produce.  Ito bale ang first team-up nina Rhian at JM sa pelikula na kinakitaan ng kakaibang chemistry since day one ng kanilang shooting ng pelikula.

Si Direk Joel ay kilala sa advertising world bilang isang mahusay na commercial director ng mga major brands at kasama na rito ang @kwentongJollibee mini-films.

Ang pelikulang “Kung Paano Siya Nawala” ay isang contemporary urban love story tungkol sa pagli-let go at pag-hold on sa isang relasyon sa kabila ng pagkakaroon ng face blindness (a cognitive disorder characterized by an inability to recognize faces) ng character na ginagampanan ni JM na na-in love at nag-open up sa isang maganda at free-spirited soul na may mga sikreto ring itinatago na ginampanan ni Rhian.

Maganda at kakaiba ang pagkakalahad ng kuwento ng “Kung Paano Siya Nawala” ganoon din ang direksiyon ni Direk Joel except for some parts na medyo dragging.

Tampok din sa “Kung Paano Siya Nawala” sina Agot Isidro at Ricky Davao, among others.