Rhian natutong mamuhay mag-isa sa New York

June 26, 2019
Rhian Ramos
Rhian Ramos

KUNG pagbabasehan ang photos ng Kapuso star na si Rhian Ramos na naka-post sa kanyang Instagram account, masasabing sobrang na-enjoy niya ang kanyang six months vacay from showbiz para mamuhay tulad ng isang New Yorker sa City that doesn’t sleep, ang New York City, USA where she was able to combine her studies (ng  short acting/film course), pamamasyal at kumain mag-isa, magluto and do the dishes, do her own laundry, take the subway at iba pang chores na kadalasang ginagawa ng isang independent girl living in a bustling  city.

It was the first time for Rhian to live in New York for months away from her family, celebrating her birthday alone.  Sa New York din siya nag-spend ng white Christmas and New Year together with her “That One That Got Away” co-star Lovi Poe who also took a sabbatical leave from GMA.

Sa loob ng six months ay naka-develop din si Rhian ng mga bagong kaibigan in New York which made it easier for her to live and get by in the city.

Ngayong naka-balik na si Rhian, agad naman nitong haharapin ang kanyang trabaho bilang isang Kapuso actress.  Katunayan, she’s in the cast ng upcoming TV series ng Kapuso Network, ang romance-drama na “The Better Woman” kung saan tampok na mga bituin sina Derek Ramsay at Andrea Torres.  Ito’y mula sa direksiyon ni Mark Sicat de la Cruz.  Kasama rin sa cast sina Ina Feleo, Jaclyn Jose, Marco Alcaraz at Frances Makil-Ignacio.  This will be shown sometime in July.

Speaking of Derek and Andrea, hindi kaya ma-link ang dalawa ngayong single na muli ang dating Kapamilya at Kapatid actor matapos itong mahiwalay sa kanyang longtime model girlfriend na si Joanne Villablanca.

Maraming sexy and intimate scenes sina Derek at Andrea sa kanilang first team-up in “The Better Woman” kaya parang imposible na hindi sila madala sa kanilang mga eksena.