Home>Entertainment>Showbiz>Rhian sabik magtampisaw sa ulan

Rhian sabik magtampisaw sa ulan

Rhian Ramos
Rhian Ramos

Kinagiliwan ng netizens ang ipinost na video ni ‘Love of my Life’ star Rhian Ramos sa kanyang Instagram kung saan masaya siyang nagtatampisaw sa ulan kasama ang ina at nakatatandang kapatid.

Ayon pa sa isang netizen na hindi maiwasang magbalik-tanaw sa kanyang childhood, “Namiss ko tuloy maligo at maglaro sa ulan which I used to do when I was a kid. It looks like the three of you are having fun!”

Habang hindi pa nagbabalik-taping si Rhian sa GMA series na Love of my Life, mapapanood muna siya sa YouTube vlogs kung saan ay madalas kasama rin ang kanyang ina at kapatid.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal