Home>Entertainment>Showbiz>Rhian’s ex is the father of Phoemela’s new baby

Rhian’s ex is the father of Phoemela’s new baby

Phoemela Barand
Phoemela Barand

ATER more than two years after his break-up with ex-girlfriend Rhian Ramos, Chinese-Filipino businessman and car racer Jason Choachuy is now in a relationship with model-host-actress and sports buff Phoemela Baranda (40), a mother of a 21-year-old daughter (from a previous relationship) na si Kim Nicole.

It was in July 2018 nang kumpirmahin ni Rhian na hiwalay na sila ni Jason at tatlong taon at kalahati ring tumagal ang kanilang relasyon. Rhian admitted na wala umanong third party sa kanilang break-up.

Matapos ang break-up nina Jason at Rhian ay naging tahimik lamang ang una sa kanyang bagong karelasyon until most recently ay si Phoemela na rin mismo ang umamin. Katunayan, the model-actress-host is now several months pregnant sa magiging unang baby nila ni Jason, Phoemela’s second child.

Isa ang car racing sa sports na parehong kinahihiligan nina Phoem at Jason at dito sila nagsimulang maging magkaibigan.

Although magkaka-baby na sina Phoem at Jason (in March 2021), wala pa silang sini-share na planong pagpapakasal.

Sarah leads TNT Saya fest

ANG pop superstar na si Sarah Geronimo ang mangunguna among the celebrity performers sa “TNT Saya Fest” virtual concert which will be streamed live sa TNT Facebook Page on Saturday, November 21 at 7 p.m.

Bukod sa misis ni Matteo Guidicelli, magpi-perform din sina Julie Ann San Jose, This Band, Ronnie Alone, Loisa Andalio at ang social media inluencers na sina Mimiyuuuh, Marvin Fojas at rapper na si Aikee.

Andi manganganak na naman

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

IN less than two months time ay nakatakdang isilang ng `Island girl’ na si Andi Eigenmann ang kanyang third child, her second with her present partner, ang Siargao Island-based surfer na si Philmar Alipayo.

Ang panganay na anak ni Andi with TV host Jake Ejercito na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) is turning 9 on Monday, November 23. Ang second daughter naman niyang si Lilo (Keliana Alohi) ay nag-one year-old nung nakaraang July 23.

It was in 2018 when Andi decided na mamirmihan sa Siargao who she leads a simple life with partner na si Philmar and daughter na si Lilo.

‘Encantadia’ stars venture into movie production

IT was in the fantasy TV series ng GMA na “Encantadia” na dinirek ni Mark A. Reyes naging close na magkakaibigan sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle at Iza Calzado. Sa kabila ng paglipas ng mga taon at paglipat sa Kapamilya network nina Iza at Karylle ay hindi naputol ang komunikasyon ng apat.

Si Sunshine ang gumanap sa papel ni Sangre Pirena, Sangre Amihan naman si Iza, Sangre Dayana si Diana habang Sangre Alena naman si Karylle.

Ang apat ay nagbuo ng kanilang sariling production company na kanilang tinawag na Sangre Productions. Despite their respective busy schedules, they make it a point na may oras sa isa’t isa lalupa’t meron na silang unang project, ang romantic-comedy series na pinamagatang “B &B: The Story of the Battle of Brody and Brady” na tinatampukan nina Iza at Ian Veneracion mula sa direksiyon ni Mark Reyes with Sunshine as assistant director and co-producer. Ang nasabing project ay isa sa originals na nakatakdang ipalabas sa newly-launched online streaming hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asia, ang WeTV.

Ang unang local movie na nakatakdang i-stream sa WeTV ay ang local adaptation ng Korean movie, ang blockbuster movie na “Miracle in Cell No. 7” na nakatakdang ipalabas sa darating na November 27, Friday. Ang nasabing pelikula ay tinampukan nina Aga Muhlach, Xia Vigor, Bela Padilla, Tirso Cruz III, John Arcilla, Joel Torre, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, Mon Confiado, JC Santos at iba pa na dinirek ni Nuel Naval under Viva Films.

Mapapanood din sa WeTV ang mga pelikula na magmumula sa iba’t ibang Asian countries including China, Korea, Thailand at iba pa.

Sa gitna ng `new normal’ situation na wala pang mga bukas na sinehan, ang mga tao ay nakatutok ngayon sa iba’t ibang online streaming para mapanood ang kanilang mga paboritong pelikula at series tulad ng Netflix, Iflix, iWantTFC at ngayon sa WeTV.

Aga natutuwa sa pagdami ng platforms

SAMANTALA, natutuwa ang bida ng “Miracle in Cell #7” na si Aga Muhlach na parami ng parami ang iba’t ibang platform kung saan mapapanood ang mga pelikula sa gitna ng pandemya.

Umaasa rin ang mister ni Charlene Gonzales na sana’y mabuwag na ang tinatawag na divisiveness ng mga TV network para malayang makapagtrabaho ang mga artista o talents na siyang madalas maipit sa `network war’.

During the virtual launch ng WeTV, natuwa si Aga dahil nakita niya roon sina Sunshine Dizon at Direk Mark Reyes na parehong identified sa GMA. Naroon din sina Iza Calzado Karylle na dating Kapuso talents pero nasa bakuran na ngayon ng Kapamilya channel gayundin si Direk Pertee Brinas na identified din sa Star Cinema at ABS-CBN gayundin sina Bela Padilla at childstar na si Xia Vigor.

K-Pop star Minzy to invade Philippine showbiz

Minzy
Minzy

NAKATAKDANG i-launch ngayong November 20 (Friday)ng Viva Records ang local version ng Korean pop artist na si Minzy, dating member ng K-Pop all-girl group na 2NE1 (na kinabilangan din ni Dara or Sandara Park) ang kanyang Tagalog version ng sariling song sa Korea as an independent artist na pinamagatang “Lovely”.

Last November 13, 2020 ay lumagda si Minzy ng management contract with Viva Artists Agency (VAA) na siyang mamamahala sa career ng Korean star sa Pilipinas.

Excited na si Minzy na makatrabaho ang ilang local actors, talents and performers at makita ang kanyang Filipino fans.

Aware si Minzy (who is Gong Min-ji in real life), 26, na ang dati niyang kasamahan sa 2NE1 na si Sandara Park ay sa Pilipinas unang sumikat bago ito nakilala sa Korea. Katunayan, Sandara considers the Philippines her second home kaya pabalik-balik ito ng bansa kapag meron siyang time. Ito rin ang gustong mangyari ni Minzy who have heard so much about the Philippines and the Filipinos sa kanyang kaibigan at dating kasamahan sa grupo na si Dara Park.

***

Watch, subscribe and like “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on my Instagram @asteramoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)