Home>Entertainment>Showbiz>Rica at pamilya nakauwi na ng Pilipinas

Rica at pamilya nakauwi na ng Pilipinas

Rica Peralejo and Pastor Joseph Bonifacio

ANG inaakalang month-long vacation sa California, USA ng mag-asawang Rica Peralejo at Pastor Joseph Bonifacio kasama ang dalawa nilang anak na sina Philip at Manu nung unang linggo ng Marso 2020 ay na-extend sa anim na buwan dahil sa lockdown sanhi ng COVID-19 na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananalasa sa buong mundo including the Philippines at Amerika.

Sa Amerika na rin inabutan ng kanyang first birthday si Manu nung nakaraang June 9, 2020 habang magsi-seven years old naman ang kanilang panganay na si Philip on January 27, 2020.

Ang mag-anak ay nakabalik sa Pilipinas nung nakaraang Sabado ng umaga, September 5.

Former Kapamilya actress Rica and Pastor Joseph will be celebrating their 11th wedding anniversary on January 19, 2021. The couple got married on January 19, 2010.

Isisilang ni Coleen first grandchild din ng parents

ANY day now ay nakatakdang magsilang ang actress na si Coleen Garcia sa magiging first baby nila ng kanyang mister, ang singer-actor, host na si Billy Crawford. The couple are expecting a boy.

Ang isisilang ni Coleen ay hindi lamang nila first baby ni Billy kundi first grand child din ito ng respective families ng mag-asawa.

Sina Coleen (27) at Billy (38) ay ikinasal nung April 20, 2018 at nung May 1, 2020 naman nila ibinalita sa kanilang respective social media accounts ang pagbubuntis ng actress.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)