Rica delikado ang pagbubuntis

January 24, 2019
Rica Peralejo
Rica Peralejo

MATAPOS magka-miscarriage nang dalawang beses in 2016 and 2017, muling nagdadalang-tao ang singer-actress-writer at dating sexy star  na si Rica Peralejo. Mahigit apat na buwan na ngayon ang kanyang dinadala.  Ang kanyang panganay na si Philip Nathaniel with pastor-husband Joseph Bonifacio ay five years old na.

May pagka-delicate ang pagbubuntis ni Rica kaya sobra siyang maingat ngayon.

Rica will be celebrating her 9th year of marriage with her husband na si Pastor Joseph on January 29.  Ang dalawa ay ikinasal nung January 29, 2010 sa isang beach wedding in Kawayan Cove in Batangas.

Bago nag-asawa , si Rica ay na-link kina Bojo Molina, Bernard Palanca at Piolo Pascual.  Sa tatlong actor, sina Piolo at Bernard ay pareho pang aktibo sa showbiz habang si Bojo ay may sarili nang pamilya sa Guam, USA.  He married a beautiful US citizen Filipina teacher na si Johansen `Jen’ Kwe at meron nang dalawang anak ang mag-asawa na isang boy and girl.  Si Bernard ay hiwalay na sa kanyang wife, ang actress na si Meryll Soriano kung kanino siya may isang anak na lalaki, si Elijah.  May isa ring anak ang actor sa anak ni dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap Estrada na si Jerika Ejercito na si Isaiah.  Piolo remains single up to now but has a 21-year-old celebrity son na si Iñigo Pascual.