Rica sa bahay nanganak

June 11, 2019

NAKAPAGSILANG na ng kanyang second baby boy ang celebrity mom na si Rica Peralejo last Sunday, June 9 sa pamamagitan ng natural birthing sa kanilang bahay ng husband niyang pastor na si Joseph Bonifacio.  Pinangalanang Baby Manu, ang bagong silang ay second child na bale ng mag-asawang Rica at Pastor Joseph.  Ang kanilang panganay na si Philip na ipinanganak ni Rica via caesarian section  ay mahigit limang taong gulang na.

Sina Rica at Pastor Joseph ay ikinasal nung January 29, 2010 and celebrated their 9th wedding anniversary last January.

Si Rica ang pang-apat na celebrity mom to give birth this year na sinimulan ng Kapuso actress na si LJ Reyes nung nakaraang January 4, 2019 sa first baby nila ng kanyang partner ngayon na si Paolo Contis.  Baby girl ang isinilang ni LJ na pinangalanang Summer Ayanna.  Sumunod naman dito ang dating 1999 Miss Universe runner-up na si Miriam Quiambao na nagsilang ng unang baby nila ng kanyang second husband na si Ardy Roberto, si Baby Elijah na isinilang nung February 16, 2019.

Isinilang naman ni Marian Rivera ang second baby nila ng husband niyang si Dingdong Dantes last April 16, 2019 na si Baby Ziggy o Jose Sixto Dantes IV.  Ang kanilang panganay na si Maria Letizia Dantes o Zia ay magpu-four years old na sa darating na November.