Rich nagtatrabaho sa Australia bilang waitress

July 01, 2020
Rich Asuncion
Rich Asuncion and family

KAPUSO actress and 2009 Bb. Pilipinas first runner-up Rich Asuncion is now in Australia with her Filipino-Australian husband na si Benjamin `Benj’ Mudie and their one year and seven months old daughter na si Bela.  Ang pamilya ay umalis patungong Australia last February for a vacation pero ito’y na-extend dahil sa global pandemic.

Pero sa halip na maging idle, naghanap sa Australia ng trabaho si Rich at muling nag-enrol ng panibagong course.  Namasukan siyang waitress sa isang restaurant and send herself to school habang nasa day care ang kanyang anak. May trabaho rin ang kanyang husband na isang rugby player kaya pina-plano na rin nila ang pagbili ng sarili nilang bahay.

Hindi ikinahihiya ni Rich ang kanyang trabaho bilang waitress dahil isa itong decent job laluna ngayon na ang ibang kumpanya ay apektado ng global pandemic.

Masayang-masaya si Rich when she got her first salary bilang waitress.