Rich sanay na sa buhay sa Australia

August 01, 2020
Rich Asuncion and Benjamin Mudie
Rich Asuncion, Benjamin Mudie and daughter Isabella Brie

ANG bakasyon lamang Sydney, Australia sa hometown ng Fil-Australian rugby player na si Benjamin Mudie at ng kanyang mag-ina na sina Rich Asuncion at Isabella Brie sa Sydney, Australia ay nauwi sa kanilang pananatili roon ng mahabang panahon and eventually for good dahil sa pandemya.

Ang mag-anak ay umalis last March bago ang lockdown sa Pilipinas.  Since naroon na sila sa sitwasyon na hindi rin nila inaasahan, nag-desisyon ang mag-asawa na tanggapin na lamang ang bagong hamon na dumating sa kanilang buhay.

Dahil sa tagal ng kanilang pananatili sa Australia, nagdesisyon ang mister ni Rich na bumili ng bahay doon at mag-settle for good.  Si Rich ay namasukang waitress sa isang restaurant doon habang nag-aaral online ng Early Childhood Education and Care.

Rich,  2009 1st runner up sa Bb. Pilipinas at Kapuso actress, and Benjamin got engaged nung  May 2, 2017 at ikinasal sa Hong Kong nung May 28, 2018. Isinilang naman ang kanilang first baby na si Isabella Brie nung December 3, 2018.

Hindi ikinakaila ni Rich na nung simula ay hirap umano siyang mag-adjust sa buhay sa Australia pero sa kalaunan ay nasanay na rin  siya.