Richard may natutunan sa pagkatalo

May 20, 2019
Richard Yap

HINDI man pinalad ang first time politician na si  Richard Yap sa nakaraang mid-term elections, nagkaroon siya ng experience sa pangangampanya and he would know better the next time lalupa’t last term na ito ng  incumbent at re-electionist na si Rep. Raul del Mar ng first district ng Cebu City.  He has three years to prepare for the 2022 elections.

Si Richard na itinuturing na break-out actor in 2011 nang magsimula siya sa kanyang acting career when he was already in his mid-40’s sa pamamagitan ng TV series na “Binondo Girl” kung saan siya nakilala as `Papa Chen’.  Pero nag-level-up  siya sa pagiging lead actor bilang kapareha ni Jodi Sta. Maria sa morning TV series na “Be Careful with My Heart” na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon.

Richard is married to Melody Yap for almost 26 years at meron na silang dalawang grown-up children na sina Dylan at Ashley.