Richard umaming biktima ng pandemic ang mga negosyo

July 13, 2020
Richard Yap
Richard Yap

ANG Kapamilya singer-actor at businessman na si Richard Yap (53) ang pang-apat na celebrity judge guest sa well-followed segment ng “Eat Bulaga,” ang “Bawal Judgmental” kung saan din nakapag-guest na ang iba pang Kapamilya talents na sina Pokwang, Kim Molina at ang dating Kapuso talent na si Louise de los Reyes.

Nag-trending ang guesting ni Richard last Saturday, July 11 sa longest-running noontime show ng bansa (and maybe throughout the world) na magsi-celebrate ng kanilang 41st anniversary sa darating na July 30.  Ang mga participants ay lahat transmen kung saan kabilang ang “Starstruck” alumna na si Jesi Corcuera.

It was the Filipino-Chinese actor’s first guesting sa “Eat Bulaga” on GMA and he had a great time kahit walang studio audience.  Before the contest proper ay nagpaunlak din si Richard ng isang awitin at kinanta niya ang “Tuloy Pa Rin” ng Neocolours at sinabayan siya ng ibang Dabarkads na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Alden Richards at Maine Mendoza.

Hosting from home naman ang isa sa pillars ng “Eat Bulaga” na si Vic Sotto at kinumusta niya ang Kapamilya actor tungkol sa takbo ng kanyang negosyo.

Inamin ni Richard na apektado umano ang kanilang business laluna ang kanilang restaurant na Wangfu in Quezon City dahil ilang buwan itong sarado pero ngayon ay bukas na ito at naga-accommodate ng take-out, delivery and 30% dine-in.  May furniture business din si Richard.

Late bloomer mang maituturing ang pagpasok ni Richard sa showbiz (already in his 40’s), pinasasalamatan niya ang ABS-CBN na siyang nagbigay sa kanya ng malaking break nang siya’y mapasama sa teleseryeng “My Binondo Girl” kung saan siya gumanap na ama ng character ni Kim Chiu.  He played the role of Papa Chen.  

“My Binondo Girl” run for a year in 2011 hanggang 2012.

Nang matapos sa ere ang “My Binondo Girl” ay agad naman siya isinalang ng Kapamilya Network sa isang morning light-family drama series, ang “Be Careful with my Heart” where he played a lead role opposite Jodi Sta. Maria.  It was an instant hit at tumagal sa ere ang serye ng dalawang taon mula 2012 hanggang 2014.

Tumatak din kay Richard ang kanyang character sa serye bilang si Sir Chief at instantly ay nabuo ang kanilang `loveteam’ ni Jodi na muli niyang nakasama sa isa pang morning TV series, ang “Sana Dalawa ang Puso Ko” kung saan din tampok si Robin Padilla.   Naging hit din ang first movie nila ni Jodi together with Ian Veneracion, ang “Acky Breaky Hearts” in 2016.  On same year ay pinangunahan din ni Richard ang pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” under Regal Films which was originally intended for the Metro Manila Film Festival pero hindi ito nakapasok sa Magic 8 official entries.  He also did other films tulad ng “Ekstra” in 2013, “Past Tense” and “Praybet Benjamin 2 in 2014 at “You’re the One” in 2015.

In 2019, sinubukan ni Richard na pasukin ang political arena nang siya’y kumandidato sa pagka-kinatawan ng North district ng Cebu pero hindi siya pinalad. Hindi man niya natalo ang incumbent representative na si Raul del Mar pero siya ang pumangalawa sa apat na kandidato for the position.

Last year ay naging bahagi rin siya ng hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto”.

Richard is optimistic na lilipas din ang kinakaharap na problema ng Pilipinas at buong mundo dahil sa pandemya at unti-unting mababalik sa dati ang takbo ng pamumuhay ng lahat.  

Richard has been married to his wife na si Melody Yap for 27 years  since 1993 at meron na silang two grown-up children, sina Dylan at Ashley.

The Kapamilya actor and businessman is also a singer.  He released an album in collaboration with balladeer Richard Poon entitled “Richard x Richard (The Chinito Crooners)”.