Rita Daniela ipinakita ang "No Makeup Makeup" look technique

July 15, 2020
Rita Daniela
Rita Daniela

MARAMING humahanga sa aura ng singer-actress na si Rita Daniela. Ang lakas kasi ng dating ng aktres lalo na tuwing humaharap sa camera at kitang-kita rin ito sa mga selfie niya na ipino-post online. Kaya naman, hindi maiwasan ng fans niya na magpaturo paano mag-ayos ng sarili.

Pinagbigyan naman ito ni Rita via her "No Makeup Makeup" look tutorial video sa kaniyang YouTube channel. Ipinakita niya rito ang ilan sa products at techniques na ginagamit niya.

Natural at simple lang daw ang peg ng "go-to" look ni Rita. Madali rin itong sundan at i-recreate para sa mga gustong sumubok. Bisitahin lang ang YouTube channel ng aktres para mapanood ang full video.