RK naubusan ng gas bago natanggap sa ABS-CBN

February 27, 2020
RK Bagatsing
RK Bagatsing

HINDI ginamit ni RK Bagatsing ang impluensya ng magagaling na artista niyang kapatid na sina Raymond Bagatsing at Monina Bagatsing para mag tagumpay sa showbiz.

“I wanted to make it on my own,” aniya sa isang interview. "Nahihiya kasi ako. I must confess na nahirapan ako pero, hindi ako basta-bastang sumuko. Hindi ako tumigil. Apply dito apply doon ang naramdaman ko. Audition nang audition kung saan-saan. In the process, maraming heartaches ang naranasan ko. It took me five years.

“One day, nakatanggap ako ng offer to audition at ABS. Punta ako agad at sinubukan ko ang role, lalo’t mukhang promising. Sa pagmamadali ko, nakalimutan ko ang wallet ko. Huli na ng makapa ko na wala pala akong pang-gas. Pero, sinagad ko ang natira pang gasoline.

"Parating na ako sa ABS nang maramdaman kong ubos na ang gas. Binilisan ko ang takbo ng sasakyan para maabot sa loob ng gate. Binuksan ko ang sasakyan habang sumisigaw ako na babalikan ko nalang ang sasakyan ko.

“Iyon, nakuha ako dahil bagay sa akin ang role!

“It was a good start at nagsunud-sunod ang breaks ko. Siyempre, hindi naman malalaking roles agad, but it was enough para magkaroon ng pang-gastos.

“Yes, nang magkita-kita kami ng kuya at mom ko, they were so happy and proud of me. “

This time, hindi lamang itinuturing na napakaga-ling ding artista si RK tulad ng kanyang kuya. Considered na siyang isa sa mga handsome star at kinakikiligang actor ngayon.

Mapapanood si RK sa pelikulang “Us Again” produced ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde pagka’t kinagigiliwang aktor na siya ngayon. At punumpuno pa ng sex appeal. Napuna rin ng mga nanonood ang napaka ganda ngayong si Jane Oineza na leading lady ni RK. Wala siyang ginawa kundi tumawa nang tumawa sa interview. Sabi tuloy ng matatanda, matindi daw ang pagkagusto ni Jane kay RK dahil ganoon daw ang babae kapag tawa nang tawa kapag kaharap ang isang lalake.

Hindi nga ba?