Home>Entertainment>Showbiz>Robi naging emotional sa pamamaalam ng Myx

Robi naging emotional sa pamamaalam ng Myx

Robi Domingo
Robi Domingo

HINDI naiwasang maging emotional ng ex-PBB housemate-turned VJ and TV host na si Robi Domingo nang siya ang maatasang basahin ang official statement para sa mga staff and videojocks ng MYX music channel na na-retrench na may kinalaman sa pagkakabasura ng kongreso ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ang MYX, ang #1 music channel ng Pilipinas ay isa sa mga nasagasaan sa pagsasara ng free broadcast ng radio at telebisyon ng ABS-CBN at naging daan ng pagkakatanggal ng libu-libong empleyado at talents ng major media broadcast.

Nagmistulang Biyernes Santo ang tanggapan at buong compound ng ABS-CBN at ng kanilang regional stations sa pamamaalam ng mga empleyado nung nakaraang Biyernes, August 28. Their last working day.

Durug-durog man ang mga puso ng mga Kapamilya na nawalan ng trabaho, naroon pa rin ang kanilang pag-asa na balang araw ay muli silang magkakasama-sama kapag nakabangon muli ang ABS-CBN. Sa ngayon ay wala silang choice kundi maghanap muna ng ibang mapapasukan.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)