Robin papasok din bilang military reservist

June 08, 2019
Robin Padilla

IT'S never too late for Robin Padilla (49) na maging military reservist na plano rin niyang gawin tulad ng ginawa ng 29-year singer-actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Matteo Guidicelli na kasalukuyang nasa loob ng Camp Tecson in San Miguel, Bulacan for his 30-day scout ranger training.  Si Matteo ay may ranggong 2nd Lt. sa Philippine Army.

Unknown to many, ang ilan pang mga kilalang personalities na mga reservists ng military at marine corps ay sina Senate President Tito Sotto, Sen. Manny Pacquiao,  Sen. Loren Legarda,  Rep. Vilma Santos at outgoing Quezon City na si Herbert Bautista na pare-parehong may rank na Lt. Col. Maging sina Dingdong Dantes at Gerald Anderson ng Philippine Marine Corps.

Sina Robin at Matteo ay parehong sumusuporta na ibalik ang ROTC (Reserved Officer Training Corps) sa male college students.

Umaasa naman ang nobyo ng Pop Star na si Sarah Geronimo na marami pang young men ang mai-encourage na mag-training at maging military reservist dahil kailangan ito ng ating bayan.

Samantala, bumagay kay Matteo ang kanyang kinalbo at fully-shaved hair at military uniform    .

Ngayong nag-back-out na si James Reid para gumanap sa title role ng Filipino folk hero na si “Pedro Penduko” dahil sa kanyang spine injury (tulad ni Angel Locsin) na nakuha niya sa training for the role, perfect replacement sa kanya si Matteo na bukod sa kanyang military training ngayon ay isang triathlete at sports buff.  Maganda rin kung si Sarah ang gaganap sa papel na Maria Makiling.

Ano sa palagay mo, Boss Vic del Rosario ng Viva?