Robin tumino dahil kay Mariel

June 16, 2019
Robin Padilla, Mariel Rodriguez

KAHIT 12 years nang hiwalay ang dating mag-asawang Robin Padilla at Liezl Sicangco, nanatiling magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa kanilang apat na anak na pawang grown-up na, sina Queenie, Kylie, Ali at Zhen-Zhen (Zherileen).

Liezl and two of her younger children na sina Ali at Zhen-Zhen ay naka-base sa Queensland, Australia habang ang dalawa pa nilang mga anak ni Robin na sina Queenie at Kylie ay pareho nang may asawa’t may tig-isang anak ngayon.

Kamakailan lamang ay lumipad patungong Australia si Robin para dumalo sa graduation ceremony ng kanilang bunsong anak ni Liezl na si Zhen-Zhen who graduated in filmmaking sa Bond University in Gold Coast, Queensland in Australia. Ito bale ang isa sa mga greatest gifts na natanggap ni Robin on Father’s Day, ang pagtatapos ng kolehiyo ni Zhen-Zhen.

Bukod sa apat na anak ni Robin sa kanyang ex-wife na si Liezl, ang panganay niyang anak na si Camille Orosa (sa dating actress na si Lea Orosa) ay naka-base ngayon sa Amerika with her mom at non-showbiz husband nito ngayon.  Magdadalawa na rin ang anak ni Robin sa kanyang second and present wife na si Mariel Rodriguez, ang two-year-old na si Maria Isabella at ang ipinagbubuntis ngayon ng Kapamilya TV host na magiging pang-pitong anak ng tinaguriang “Bad Boy of Philippine Cinema”.

Kung kilala sa pagiging chickboy si Robin at the peak of his career, ngayon ay tila nag-mellow na ang nakababatang kapatid nina Rommel Padilla at BB Gandanghari at tiyuhin ng matinee idol na si Daniel Padilla magmula nang maging misis nito si Mariel.