Rocco Nacino namangka para maghatid ng tulong

July 09, 2020
Rocco Nacino

SA tulong ng Philippine Navy, personal na nagpaabot ng kanyang tulong ang Kapuso star na si Rocco Nacino, kasama ang kasintahan na si Melissa Gohing, sa mahigit 200 na senior citizens sa Talim Island, Rizal. 

Napuno ng tuwa ang mga residente sa pagbisita ng 'Descendants of the Sun PH' actor sa kanilang lugar. Sila ang mga unang benepisyaryo ng ‘Help From The Heart’ fundraiser na sinimulan nina Rocco at Melissa.

Kuwento ni Rocco, hindi naging madali ang pag-biyahe nila papunta roon, "Kailangan mong i-biyahe by boat so pumunta kami sa isang port. Sasakay ka ng bangka, tapos sasakay ulit pagdating do'n hanggang makarating sa barangay. Gano'n siya kalayo. So these are the people we wanna help that's why we are really happy na tinutulungan kami ng Philippine Navy. 'Di namin to mapu-pull off 'pag wala sila."

Matapos ang naganap na relief operation, nag-ikot din ang grupo ni Rocco sa lugar para magbigay ng tulong sa mga frontliner na assigned sa mga checkpoint.