Rocco natapos na ang bahay, may 13 CCTV cameras

July 13, 2020
Rocco Nacino

TAPOS na rin finally ang three-storey dreamhouse na ipinatayo ng Kapuso actor, registered nurse, entrepreneur at Philippine Navy reservist na si Rocco Nacino sa isang exclusive subdivision in Antipolo City.  Ito bale ang katas ng kanyang halos mahigit sampung taong trabaho bilang actor.

Kung tutuusin ay nasa marrying age na rin si Rocco who is 33 habang 28 years old naman ang kanyang non-showbiz girlfriend of three years, ang professional volleyball player na si Melissa Gohing, isang Filipina with Chinese and Spanish descent.

Samantala, 13 surveillance CCTV cameras ang ipina-install ng Kapuso actor sa loob at labas ng kanyang bahay para masiguro  ang security hindi lamang ng kanyang bahay kundi maging ng kanyang pamilya.