Home>Entertainment>Showbiz>Roco tinapos muna ang bahay bago nag-propose kay Melissa

Roco tinapos muna ang bahay bago nag-propose kay Melissa

Rocco Nacino and Melissa Gohing
Rocco Nacino and Melissa Gohing

THIRTY-three-year old Kapuso singer-actor, registered nurse and entrepreneur Rocco Nacino (Enrico Raphael Quioge Nacino) is now engaged to her girlfriend of two years, ang volleyball star, of Filipino-Chinese- Spanish descent na si Melissa Gohing (29). Ang romantic engagement ng couple ay ginanap sa isang lugar surrounded by flowers and lights and was shared by the actor sa kanyang Instagram account last Friday, November 20.

It was only last September 18, 2020 when the couple celebrated their third anniversary bilang magkasintahan.

Hindi nag-propose si Roco sa kasintahan hangga’t hindi tapos ang kanyang ipinatayong four-storey house in Antipolo City at nung November 20, 2020 (11-20-2020) ay saka niya isinakatuparan ang matagal na niyang planong proposal kay Melissa.

Si Melissa ang naging kasintahan ni Rocco after his much-talked about break-up with ex-girlfriend Lovi Poe in 2016.

Rachelle Ann buntis na

Rachelle Ann Go and Martin Spies
Rachelle Ann Go and Martin Spies

ANG thirty-four year-old award-winning singer and stage actress Rachelle Ann Go is finally pregnant sa magiging first baby nila ng kanyang husband of more than two years, ang American executive na si Martin Spies. The couple got married in Boracay nung April 19, 2018.

The London-based couple is expecting their first child in summer next year.

Ang mag-asawa ay nagkakilala in New York City, USA in 2017 nung gampanan ni Rachelle Ann ang papel ng bar girl na si Gigi van Tranh ng “Miss Saigon” sa Broadway.

After months of being in a relationship, nag-propose si Martin kay Rachelle Ann in 2017 and got married the following year.

Bukod sa “Miss Saigon,” Rachelle Ann also played Fantine in “Les Miserables” and Eliza Hamilton in “Hamilton” sa West End where she started in 2014.

Singer-actress nagsisisi sa paglipat?

MARAMI ang nanghihinayang sa young singer-actress na ito na nag-switch ng TV network na kinaaaniban sa pag-aakalang mas magiging maganda ang takbo ng kanyang career.

Mag-iisang taon ang young singer-actress sa kanyang bagong home studio pero wala pa ring nangyayari sa kanyang karera laluna ngayon sa gitna ng pandemya. Pero alam naman ng singer-actress na may ongoing na ring production sa kanyang nilipatang TV network pero kahit ni isa sa kanilang tumatakbong production ay hindi man lamang daw maisip na isama siya sa cast.

Bibigyan pa rin umano ng young singer-actress ang kanyang sarili sa kanyang present home studio ng isang taon kaya kapag wala, gusto niya umanong magpaalam at ipa-rescind ang kanyang kontrata. That is, kung papayag ang TV network.

Sana raw ay sinunod na lamang daw ng young singer-actress ang payo ng isang kaibigan na lumipat na lamang siya sa isang malaking independent company pero nanaig ang paniniwala ng young singer-actress na mas mapapaganda ang takbo ng kanyang career kung nasa poder siya ng kanyang present TV network.

Raymart vs Claudine: P100K a month

BALIK na naman sa `legal war’ ang dating mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago dahil hindi umano tinupad ng actor ang kanyang obligasyon na magbigay ng P100,000 monthly support para sa kanilang dalawang anak, ang kanilang adopted daughter na si Sabina (16) at biological son na si Santino (13).

The estranged couple got married nung March 27, 2006 at nagkahiwalay sila seven years after in March 2013.

Sa tulong ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, nag-file si Claudine against Raymart sa Marikina Prosecutor’s Office at ang unang hearing ay didinggin on December 10, 2020.

Inaasahan ang pagsu-submit ng kampo ni Raymart ng counter affidavit.

Andi’s birthday gift to Philmar: A new baby

Andi Eigenmann
Andi Eigenmann

MASAYA ang `Island Girl’ actress na si Andi Eigenmann na kumpleto ang kanyang pamilya ngayong lumuwas ng Maynila galing Siargao ang kanyang surfer partner na si Philmar Alipayo.

Mahigit limang buwan na ring hindi kapiling ni Andi at ng kanilang one-year old daughter na si Lilo si Philmar magmula nang bumalik ng Maynila ang actress para makita ang kanyang panganay (sa kanyang ex—boyfriend na si Jake Ejercito) na si Ellie and at the same para rito i-celebrate ang first birthday ni Lilo. Hindi naman kapiling ni Philmar ang kanyang mag-ina sa kanyang kaarawan last August at sa halip ay sinorpresa ni Andi ang kanyang partner ng kakaibang birthday gift, ang bagong buhay na nasa kanyang sinapupunan.

Andi is currently more than 30 weeks pregnant sa kanilang magiging pangalawang baby ni Philmar and is expected to give birth early next year.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)