Royal watch: His name is Archie Harrison Mountbatten-Windsor

May 09, 2019
The Duke and Duchess of Sussex
The Duke and Duchess of Sussex. AFP PHOTO / CHRIS ALLERTON / copyright SussexRoyal

KUNG buhay pa ngayon  si Princess Diana, Princess of Wales at ina ng magkapatid na Princes William at Harry, isa na siyang happy lola ng ika-apat na apo at una sa kanyang bunsong anak na si Prince Harry at wife nitong si Meghan Markle, ang Duke at Duchess ng Sussex.

Ang bagong miyembro ng British royal family ay pinangalanan nilang Archie Harrison Mountbatten-Windsor. Nakita na ni Queen Elizabeth and the Duke of Edinburgh ang pinakabago nilang great-grandchild. Si Archie Harrison ay isinilang nung nakaraang Lunes, May 6 ng 5:26 a.m. at pang-apat na apo nina Prince Charles (next in line sa trono) at ng yumaong si Princess Diana.  Ang tatlo pa nilang apo ay sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis, mga anak nina Prince William at Kate Middleton, Duke at Duchess of Cambridge.

Princess Diana would be 58 on July 1 but she died in a vehicular accident at age 36 in Paris, France on August 31, 1997 leaving her two sons, Prince William and Prince Harry motherless at a young age.

Ang bagong Royal baby ay kauna-unahang multi-racial baby in monarchy’s recent history, his mom being of an African-American descent.

“It’s been the most amazing experience I can ever possibly imagine.  How any woman does what they do is beyond comprehension, and we’re both absolutely thrilled.  The Duchess was amazing and the birth amazing  and the love and support from the public amazing.  This little thing is absolutely to die for, so I’m just over the moon,” masayang pahayag ni Prince Harry paglabas ng una nilang supling ni Meghan.

“We (with Camilla, Duchess of Cornwall) are both so pleased at the news.  It is a great joy to have another grandchild, the only trouble is I don’t know how I am going to keep up with them,” natatawang pahayag ni Prince Charles, ama ng magkapatid na Prince William at Prince Harry nang makarating sa kanya ang magandang balita sa pagkakaroon niya ng bagong apo.

Hindi naman nagpahuli ng masayang pahayag ang ama ni Meghan na si Thomas Markle. “I am proud that my new grandson is born into the British royal family and I am sure that he will grow up to serve the crown and the people of Britain with grace, dignity and honor,” pahayag nito na kasalukuyang nakatira sa Mexico.  

Hindi nakadalo si Thomas Markle sa grand royal wedding ng kanyang anak kay Prince Harry nung May 19, 2018 na ginanap sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle dahil sumailalim siya noon sa operasyon.

Nagbunyi naman ang mga followers ng British royal family sa paglabas ni Baby Archie who is the seventh in line sa throne next to his father na si Prince Harry at pang-walong apo sa tuhod (great grand child) ni Queen Elizabeth II at Prince Philip, Duke of Edinburgh.

First cousins ni Baby Archie sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis, mga anak nina Prince William at Catherine, Duke and Duchess of Cambridge.

Si Baby Archie ay magkakaroon ng dual citizenship dahil American ang kanyang inang si Meghan Markle na dating actress.

Ang African-American mother ni Meghan na si Doria Ragland ay nasa kanyang tabi kasama si Prince Harry nang isinilang ng Duchess of Sussex ang unang baby.