Royal watch: Meghan, nanganak na, pangalan, ia-announce pa

May 07, 2019
Meghan Markle
Meghan Markle

MASAYANG ibinalita ng Buckingham Palace ang pagsilang sa British royal family ng ika-8 apo sa tuhod (great grandchild) ni Queen Elizabeth II sa kanyang apong si Prince Harry, Duke of Sussex at Meghan Markle, Duchess of Sussex nung 5:26 a.m. nung May 6, araw ng Lunes na isang baby boy na may timbang na 7 lbs. and 3 oz.

Although in two days time pa ihahayag ang magiging pangalan ng ika-pitong heir to the throne at unang supling ng Duke at Duchess of Sussex na sina Prince Harry at Meghan Markle, sobrang excited ang mag-asawa sa kanilang first born, ganoon din ang Royal family na pinangungunahan nina Queen Elizabeth II and Prince Philippine ganundin ang grandfather ng bagong silang na Royal baby na si Prince Charles, ang mag-asawang Prince William at Kate Middleton, Duke and Duchess of Cambridge at iba pang miyembro ng Royal family.  Masayang-masaya rin ang ina ni Meghan na si Doria Ragland sa paglabas ng kanyang kauna-unahang apo.

Sina Prince Harry at Meghan ay ikinasal nung May 19, 2018 sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle ng United Kingdom at mag-iisang taon pa lamang ang kanilang marriage sa darating na May 19 pero sila’y kaagad biniyayaan ng anak 13 days bago pa man ang kanilang first wedding anniversary.

Ang bagong Royal baby ay pampito sa hanay ng korona.  Next in line ay si Prince Charles, ama nina Prince William at Prince Harry.  Kasunod naman si Prince William at tatlo nilang anak ni Kate na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis at pang-anim naman si Prince Harry.

Bilang tradisyon sa British Royal Family, isang easel board ang naka-display sa may gate ng Buckingham Palace kung saan naka-post ang  announcement sa pagsilang ng bagong miyembro ng Royal family.

It was in October last year nang ianunsyo ang pagbubuntis ng dating American actress now Duchess of Sussex na si Meghan Markle.