Ruby, feeling spoiled kina Ryan at Juday

May 29, 2020
Ruby Rodriguez

Hindi man nagkikita-kita ang “Eat Bulaga” dabarkads mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine at pansamantalang ipatigil ang live show, pinatunayan naman ng hosts na sina Ruby Rodriguez at Ryan Agoncillo na ang kanilang friendship ay beyond work.

Matapos ma-confine dahil sa inindang stomach pain, nakatanggap ng masarap na regalo si Ruby mula sa mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat ang ‘EB’ dabarkad sa kaibigan, "Sometimes being sick has its perks! I’m so spoiled with my friends. I cannot fathom this feast from @officialangrydobo from @ryan_agoncillo @officialjuday looks like the little insy weight I lost will be gained! Love you bro! Thanks Ms. Juday! I know Canneloni is still the best hehehehe *wink wink* but eating your yummy mouth watering food from Angrydobo is a heavenly treat!” Kasalukuyang nagpapagaling si Ruby sa kanyang bahay matapos ma-discharge sa ospital.

Samantala, kahit tigil sa taping ang “Eat Bulaga,” mapapanood pa rin ang replays ng nasabing noontime show tuwing hapon sa GMA Network.