Ruby Regala pumanaw na

January 14, 2020

PUMANAW na ang ina ng actor na si John Regala, ang dating actress na si Ruby Regala (Susan Gregorio in real life).   John texted us tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina.

Ayon kay John, may brain tumor umano si Ruby na matagal nang naka-base sa Washington DC.  She was rushed to the hospital last December 30, 2019.  Pumutok umano ang kanyang ugat sa utak at nagkaroon ng blood clot.  Inoperahan ito pero hindi na niya kinaya at naging sanhi ng kanyang pagpanaw nung nakaraang January 11, 2020 at 6:45 a.m.  She was 72 at mag-isang namumuhay sa Amerika.  Ang mga `kapatid’ sa Iglesia ni Cristo ang tumutulong at nag-aasikaso kay Ruby hanggang sa kanyang pagpanaw.  Ayon kay John, inaasikaso na umano ang pag-transfer ng bangkay ng kanyang ina sa Pilipinas.

The last time na umuwi ng Pilipinas si Ruby ay nung December 30, 2018 pero bumalik ito ng Amerika nung February 19, 2019.  It was  also the last time na nagkita ang mag-inang Ruby at John.

Ulila nang lubos si John sa magulang .  Naunang sumakabilang buhay more than two decades ago ang kanyang estranged father na dati ring actor na si Mel Francisco.

Mag-isang anak si John ng kanyang estranged parents na pareho nang namayapa.

Ang aming taos-pusong pakikiramay, John.