Ruby Rodriguez may natanggap na masarap na regalo mula kina Ryan at Judy Ann

May 29, 2020
Ruby Rodriguez

HINDI man nagkikita-kita ang Eat Bulaga dabarkads magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine at pansamantalang ipatigil ang live show, pinatunayan naman nina Eat Bulaga hosts Ruby Rodriguez at Ryan Agoncillo na ang kanilang friendship ay beyond work. Matapos ma-confine sa ospital dahil sa inindang stomach pain, nakatanggap ng masarap na regalo si Ruby mula sa mag-asawang sina Ryan at Judy Ann Santos.

Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat ang EB dabarkad sa kaibigan, "Sometimes being sick has its perks! I’m so spoiled with my friends. I cannot fathom this feast from @officialangrydobo from @ryan_agoncillo @officialjuday looks like the little insy weight I lost will be gained! Love you bro! Thanks Ms. Juday! I know Canneloni is still the best hehehehe *wink wink* but eating your yummy mouth watering food from Angrydobo is a heavenly treat!” Kasalukuyang nagpapagaling si Ruby sa kanyang bahay matapos ma-discharge sa ospital. 

Samantala, kahit tigil pa rin sa taping ang Eat Bulaga, mapapanood pa rin ang replays ng noontime show tuwing hapon sa GMA Network.