Home>Entertainment>Showbiz>Rufa Mae magna cum laude sa Amerika

Rufa Mae magna cum laude sa Amerika

Rufa Me Quinto
Rufa Me Quinto

IT came as a big surprise to many ang pag-graduate sa Amerika ng singer-actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto-Magallanes na magna cum laude ng AB-Economics. Wala pang ibang detalye kung saan school siya grumadweyt.

Si Rufa Mae at three-year-old nitong daughter na si Athena ay kasalukuyang nasa San Francisco, California, USA kasama ang kanyang Filipino-American husband na si Trevor Magallanes. The couple got married nung November 25, 2016.

Gusto ni Rufa Mae na maging productive habang nasa Amerika kaya ito bumalik sa pag-aaral.

Kim hindi mapigil ang pagsikat

Kim Molina
Kim Molina

THERE’S no stopping singer-actress-comedienne from reaching her dreams.

Matapos mabigyan ng kanyang hit launching movie na “Jowable” nung 2019, tuluy-tuloy ang pagdating ng blessings sa stage singer-actress na unang nakilala sa hit Pinoy musical na “Rak of Aegis” in 2013.

Pagkatapos maging isa sa celebrity judges ng unang season ng “Masked Singer Pilipinas” along with Aga Muhlach, Cristine Reyes and Matteo Guidicelli and hosted by Billy Crawford, muling nagbabalik ang singer-actress-comedienne sa isa na namang exciting singing reality competition na “Born To Be A Star” ng Viva to be shown on TV5 simula sa January 30, 7 p.m. bilang host along with Matteo Guidicelli. Ito ang unang pagkakataon na tatayong host si Kim which excites her no end.

“Nakakanerbiyos but at the same time nakaka-excite,” aniya

Samantala, limang celebrities naman ang uupong celebrity judges – sina Andrew E., Sam Concepcion, Teacher Georcelle, Jenine Tenoso and Katrina Velarde habang kasama naman sina Mark Bautista at Wency Cornejo bilang mentors.

Kim started singing at age 2 at siya’y lumaki sa Saudi Arabia kung saan nagwu-work ang kanyang parents. Ang kanyang dad ay established na doon bilang isang dentista. Siya’y nag-aral sa Al-Jazzera International School in Dammam.

Limang taong gulang pa lamang noon si Kim ay nagpu-front act na siya sa mga Filipino entertainers na dumarayo sa Middle East. She was 14 nang siya’y manalo sa isang singing competition sa Middle East na pinamahalaan ng The Filipino Channel (TFC) kung saan ang ibang mga kinatawan ay mga Filipino rin na nagmula sa Bahrain, Saudi Arabia, Dubai at iba pang Middle East countries.

Naging kinatawan din si Kim ng Middle East sa World Championships of the Performing Artists na taun-taon ginaganap sa Los Angeles, California, USA kung saan siya nakapag-uwi ng multiple medals and was also awarded as Senior Grand Champion Vocalist of the World.

Ang stage acting debut ni Kim ay nangyari nung 2014 nang gampanan niya ang papel na Aileen (alternating with Aicelle Santos) sa hit Pinoy musical play na “Rak of Aegis”. Dito sila nagkakilala ng kanyang longtime boyfriend, ang singer-actor-comedian na si Jerald Napoles. Napasama rin si Kim sa Asian cast ng musical na “Carrie” at sa musical adaption ng pelikulang “Ghost” na produced ng Atlantis Productions.

Ginawaran din si Kim ng Best Actress in A Musical for “Rak of Aegis” ng Gawad Buhay. Nominado naman siyang Best Supporting Actress sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa kanyang role sa hit movie na “Walang Forever” na tinampukan nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

Taong 2016 naman nang mapasama si Kim sa hit movie na “Camp Sawi” na dinirek ni Irene Villamor at joint production ng Viva Films at N2 Productions ni Neil Arce. Dito ay naging kabituin ni Kim sina Bela Padilla, Arci Munoz, Yassi Pressman at Andi Eigenmann.

It was in 2017 nang matanggap ni Kim ang kanyang kauna-unahang Awit Awards bilang Best Performance By A Female Artist for the song, “Naluluha Ako” under Viva Records.

Bago ang pelikulang “Camp Sawi” ay napasama rin si Kim sa mga pelikulang “Chain Mail” at “The Love Affair”. She also did the movies “Extra Service,” “Love at First Sight,” “Fangirl/Fanboy,” “Ang Pambansang Thirdwheel,” “Miss Granny,” “Momol Nights” at ang kanyang launching movie na “Jowable” mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap. She was also in the movie “Unforgettable” at “Love the Way U Lie”.

Sa TV series naman, kasama si Kim sa “Till I Met You,” “A Love To Last,” “La Luna Sangre,” “Sana Dalawa ang Puso,” “Bagani,” “Kadenang Ginto,” “The General’s Daughter” at “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Samantala, marami na rin ang naghihintay sa nobyo ni Kim na si Jerald Napoles sa proposal nito lalupa’t magti-38 na ang singer-actor-comedian sa darating na March 2 habang magti-30 naman on July 1 ang singer-actress-comedienne.

Fans hinihintay na mabuntis si Sarah

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

KAKAIBANG excitement din ang nararamdaman ni Matteo Guidicelli bilang host kasama si Kim Molina sa singing competition na “Born To Be A Star” produced by Viva TV at mapapanood sa TV5.

Natutuwa naman para kay Matteo ang kanyang misis na si Sarah Geronimo.

Dahil sa unang pagsasama nina Matteo at Kim bilang mga hurado sa nagtapos na unang season ng “Masked Singer Pilipinas,” nagkaroon umano sila ng rapport kaya silang dalawa ang napisil ng Viva na pagsamahin sa hosting job ng “Born To Be a Star.”

Sa darating na February 20 ay first wedding anniversary ng mag-asawang Matteo at Sarah at sa March 26 naman ay 31stt birthday ng singer-actor. Naghihintay naman ang fans nina Sarah at Matteo kung kelan sila magkakaroon ng first baby.

Andres umalis papuntang Spain para mag-aral

ALAM ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na darating ang araw ay mapapawalay sa kanila ang kanilang twin children na sina Andres at Atasha (19) to pursue their indivicual dreams and lives.

Over the weekend ay umalis patungong Spain si Andres para doon mag-aral ng kolehiyo habang naiwan sa Pilipinas si Atasha kung saan ito nag-aaral sa isang online class sa isang university ng United Kingdom.

Gusto umano ni Andres ng campus class kaya ito nag-desisyon na lumipad patungong Spain. Maghihintay naman si Atasha na mag-resume ang campus class sa U.K. at saka siya magtutungo roon.

Mahirap man sa mag-asawang Aga at Charlene na mapawalay sa mga anak, alam nilang hindi ito maiiwasan. Nariyan umano sila para gabayan at suportahan ang mga pangarap ng kanilang kambal na parehong pursigidong makapagtapos ng pag-aaral.

Subscribe, like and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger