Rufa Mae napapanatili ang LDR

August 18, 2019
Rufa Mae Quinto

SA darating na November 25 ay third wedding anniversary nina Rufa Mae Quinto and her Filipino-American husband na si Trevor Magallanes.  Narito ngayon sa Pilipinas for some projects si Rufa Mae habang si Trevor kasama ang kanilang two-year-old daughter na si Alexandria ay nasa San Francisco, California kung saan naka-base ang husband ng singer-actress-comedienne.

Para sa iba, mukhang mahirap ang long-distance relationship (LDR) ng mag-asawang Rufa Mae at Trevor dahil narito sa Pilipinas ang trabaho ng singer-actress-comedienne habang nasa San Francisco naman ang work ni Trevor bilang isang police officer ngayon.  But the couple make it work.

Whenever walang work si Rufa Me, umuuwi siya sa San Francisco at kung may long vacation si Trevor ay siya naman ang umuuwi ng Pilipinas.

Just hoping they would be able to maintain such set up.